Done With Love

1135 Words
Done With Love You only need the light when it's burning low You only miss the sun when it starts to snow Only know you love him when you let him go And you let him go... "Luhan~ Luhan-hyung! Let's gooooo!" Pagtawag ni Sehun sa kanyang boyfriend na si Luhan. Ngayong araw kasi ay napagkasunduan nilang magdate. Pupunta sila sa mall para manood ng movie. "Wait lang Sehunnie~" Makalipas ng ilang minuto ay nasa labas na si Luhan. May hawak itong papel at ibinigay niya iyon kay Sehun. "Buksan mo ang papel na yan mamaya pagkatapos ng date natin." Tumango si Sehun at nginitian si Luhan. Mahigit isang taon na ring nagdadate sila Luhan at Sehun. Nagkakilala sila dahil sa pareho nilang kaibigan sila Chanyeol at Baekhyun. Unang pagkita pa lang nila ay nagkagustuhan na agad sila. Naging madalas ang pagkikita nila dahil sa mga kaibigan kaya naman isang araw ay nagtapat na si Sehun nang kanyang nararamdaman para kay Luhan. "Tara na?" Inilahad ni Sehun ang kanyang kamay para hawakan ito ni Luhan ngunit hindi ito hinawakan ni Luhan. Basta na lang siya nitong nilagpasan. Napapansin na ni Sehun ang mga pagbabago na ikinikilos ni Luhan. Naging malamig na ito sa kanya hindi tulad noon na sweet at caring. Madalas na din itong magalit o mainis sa kanya kahit wala siyang ginagawang mali. Minsan na lang itong pumayag na lumabas na kasama siya. Pagod siguro si hyung... Pagdadahilan niya sa sarili niya upang maiwasan ang pag-iisip ng kung ano. Nakarating na sila sa mall at inaya niya si Luhan na kumain na muna dahil tanghali na naman. Kumain sila sa paborito my restaurant ni Sehun. Pagkatapos nun ay naisipan na nilang manood ng sine. Magkatabi sila sa upuan. Hinawakan ni Sehun ang kaliwang kamay ni Luhan at naghahangad na huwag sana nitong iiwas ang kamay. Hindi nga iniwas ni Luhan ang kanyang kamay. Hinayaan niya lang si Sehun na hawakan ang kanyang kaliwang kamay. Makalipas ang dalawa't-kalahating oras ay tapos na ang pelikula. Palabas na rin sila ng mall. "Sehunnie~ Buksan mo yan pagdating mo sa inyo, okay? Thank you for this day. Thank you." Hinalikan ni Luhan ang pisngi ni Sehun at agad na pumasok sa bahay nila. Si Sehun naman ay naiwang nakatayo sa harap ng bahay ng boyfriend niya. Napahigpit ang hawak niya sa papel na nasa kamay niya. Bakit pakiramdam may hindi magandang mangyayari? Nagsimula nang maglakad pauwi si Sehun. Tumutulo na rin ang mga luha sa mata niya pero hindi niya ito ininda. Diretso lang ang tingin niya habang hawak ang papel na galing kay Luhan. "Nakakapagod ba talaga akong mahalin?" Tanong niya sa kanyang sarili. Ginawa ni Sehun ang lahat para mapasaya si Luhan pero sa huli ay iiwanan din pala siya nito. Sehunnie, Sorry. I can't be with you anymore. It was fun while it lasted. Thank you for everything. Lu Han Only know you've been high when you're feeling low Only hate the road when you're missin' home Only know you love him when you let him go And you let him go.... You'll only regret things you had once you lost it. Hindi alam ni Luhan kung bakit naiinis siya na makitang masaya si Sehun kasama ang ibang lalaki. Bakit naman kasi siya hindi magiging masaya kung meron na rin naman siyang bago hindi ba? "Lulu~ Naiintindihan mo ba mga sinabi ko?" Napatingin siya kay Xiumin na kanyang boyfriend. Nakapout na ito dahil sa hindi niya inintindi ang mga sinasabi nito. Masyado kasi niyang iniisip si Sehun. "Sorry Umin-hyung. May naalala lang ako." Pagdadahilan niya dito. Hindi naman kasi siya pwedeng sabihin na iniisip niya si Sehun dahil baka mas lalong magtampo ang boyfriend niya. "Ay, nakita ko pala kahapon si Sehun. Nagkamustahan kami." Napatingin siya kay Xiumin na kasalukuyang umiinom ng bubble tea - ang paboritong inumin ni Sehun. "Saan kayo nagkita?" "Sa school. Nagulat nga ako dahil siya pa ang unang bumati sa akin. Kinakamusta ka din niya." Bumilis ang t***k ng puso niya. Kinakamusta siya ni Sehun, ibig-sabihin ba nun ay may gusto pa ito sa kanya? "Alam mo Lulu mahal ka pa niya." Nagulat na naman siya sa sinabi ng boyfriend niya. "Bakit mo ba yan sinasabi? Hiwalay na kami kaya imposibleng mahal pa niya ako. Naka-move on na yun." Naramdaman niya ang pagsikip ng dibdib niya nung sabihin niyang naka-move on si Sehun. "Kapag hiwalay na ba ang dalawang tao ibig-sabihin hindi na agad mahal? Ikaw ba hindi mo na siya mahal?" "Mahal ko pa siya..." Parang natauhan siya dahil sa nasabi niya. Naamin niya sa boyfriend niya ngayon na mahal pa niya ang boyfriend niya dati. Napatingin siya kay Xiumin at nakitang nakangiti ito sa kanya. "Kung mahal mo pa siya bakit ka nakipaghiwalay sa kanya?" "Kasi akala ko hindi ko siya mahal..." "Akala? Paano kung akala mo lang din palang mahal mo ako? Hindi mo ba naisip na pwede akong masaktan?" Napatahimik lang si Luhan. Hindi niya alam ang sasabihin dito. Sumasakit ang puso niya dahil ayaw niyang saktan si Xuimin at dahil na rin sa gusto na niyang balikan si Sehun. "Mahal kita Lulu~ Tanda mo pa ba ang tinuro mo sa akin noong mga bata pa tayo? Nung maghiwalay ang parents ko at hindi iyon matanggap agad? Sabi mo sa akin na kapag nagmahal ka, handa kang tanggapin ang lahat. Lahat ng sakit, lahat ng paghihirap, lahat ng luha na iiiyak mo. Worth it yun kung magiging masaya ang taong mahal mo. Kahit na ang dahilan ng pagiging masaya nila ay hindi ikaw... Hindi ako," Hinawakan niya ang kamay Luhan at pinisil iyon. "Siya ang magpapasaya sayo, hindi ako. Nakasanayan mo lang na palaging ako ang kasama mo kaya inisip mong ako ang mahal mo. Mahal kita Lulu~ At dahil mahal kita, gusto kong maging masaya ka." Ngumiti siya at tumayo sa harapan Luhan. Hinaplos niya ang pisngi nito. at sinabing, "Nakikipag-hiwalay na ako sayo. Sundin mo ang sinasabi ng puso mo. Malaya ka na. Wag mo akong intindihin, mahahanap ko din ang taong nakatadhana para sa akin." Pagkatapos nun ay umalis na si Xiumin at naiwan si Luhan na nag-iisip. Kung babalikan ba niya tatanggapin pa siya? Natatakot siya na baka hindi na bumalik pa si Sehun sa kanya. Na baka hindi na siya tanggapin pa nito. Na baka masaya at naka-move on na ito. Pero hindi naman niya malalaman kung hindi niya susubukan di ba? Umalis siya ng bubble tea shop para puntahan si Sehun. Nagtungo siya sa bahay nito at naabutan niyang papasok pa lang ito. "Oh Sehun!" Pagtawag niya dito. Napalingon si Sehun sa kanya at nanlaki ang mga mata nito. "Hyung~ Wae?" "Pwede ba tayong mag-usap?" Nakipagtitigan si Sehun sa kanya bago ito tumango. He's not done with love. Definitely not done with the love he has for Oh Sehun. Fin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD