Loved Me Once
"Hyung mahal talaga kita pero kailangan ako ni Krystal."
Eto na naman siya. Eto na naman ang linya niya. Bakit ako ba hindi ko siya kailangan? Bakit ako ba hindi nasasaktan? Ako ang mahal niya pero siya ang mas inaalagaan niya.
Hindi na lang umimik at hinayaan siyang halikan ako sa labi bago ito tumayo at lumabas ng bahay.
Boyfriend ko si Kim Jongin at limang taon na kaming nagsasama. Sa loob ng tatlong taon ay naging maayos at masaya kaming dalawa pero nagbago iyon nang makilala niya si Jung Krystal - ang babaeng naging dahilan ng madalas na pagtatalo namin.
Si Krystal ay naging katrabaho niya sa law firm na pinapasukan niya. Naging malapit silang dalawa hanggang sa nagkagustuhan. Tanda ko pa nung araw na mahuli ko silang nagtatalik dito mismo sa bahay namin. Pakiramdam ko noon ay sinaksak niya ako sa puso.
Humingi ng tawad si Jongin sa akin at nangakong hindi na niya uulitin ang pagkakamali niya pero hindi niya ito tinupad, itinuloy pa din niya ang relasyon nilang dalawa.
Marami ang nagsasabi na nagpapakatanga na lang daw ako. Na kesyo hinahayaan ko pang may ibang karelasyon ang lalaking mahal ko, nag nagbubulagbulagan ako. Ang sabi ko na lang hangga't ako ang inuuwian, alam kong ako pa rin ang mahal.
"Soo!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Suho lang pala. Ang lalaking palaging nandyan para sa akin. Nginitian ko ito at kumaway pa habang papalapit ito sa akin.
"Hi Soo!"
"Hi Suho!"
Napakunot ang noo nito na ipinagtaka ko. Titig na titig ito sa akin. Hinawakan niya pa ang dalawang kamay ko.
"Umiyak ka ano? Si Jongin na naman. Tsk."
Napatawa na lang ako. Kapag umiyak ako si Jongin agad ang iniisip nila. Kunsabagay siya naman talaga ang dahilan.
"Kasama na naman niya si Krystal?"
Kagat ang labing tumango ako sa tanong niya. Napayuko ako dahil sa awang nakita ko sa mga mata niya.
"May sakit yung mama ni Krystal at gustong makita si Jongin."
Mahinang sabi ko sa kanya. Nagulat ako dahil sa biglang paghila sa akin ni Suho para yakapin ng mahigpit.
"Bakit ba nagtitiis ka ng may kahati kung pwede namang humanap ka ng walang makakahati? Yung buong atensyon ang ibibigay sayo?"
May halong galit ang tinig ni Suho. Alam ko naman na mahal niya ako at kung pwede lang turuan ang puso ay siya na lang talaga ang pipiliin ko pero hindi eh. Hindi ko kaya. Si Jongin talaga.
"Sorry."
Bulong ko na lang. Iyon na lang kasi ang kaya kong sabihin. Sorry. Sorry kasi nagpapakatanga ako. Sorry kasi siya ang mahal ko. Sorry kasi hindi ko ipinaglalaban ang karapatan ko. Sorry kasi ang duwag-duwag ko. Natatakot lang naman kasi ako na baka si Krystal ang piliin niya at hindi ako. Sabi nga nila; "there's no second one if you really love the first one".
Ang sakit pala talaga. Tangina, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Yun bang pagod na pagod na ako. Pero ayaw ko naman siyang isuko. Mahal ko eh.
"Tama na nga ang iyak, Soo. Tara na! I'll treat you some ice cream."
Napangiti na lang ako at tumango. Hinatak ako niyo patayo at nagpunta kami sa malapit na ice cream store. Naupo kami malapit sa glass window. Si Suho ang nag-order para sa aming dalawa.
"Here's your choco-strawberry ice cream."
Inilapag nito ang order namin sa mesa at umupo sa harapan ko. Masaya namin iyong kinain habang magkukwento ito tungkol sa mga nakakatawang lugar na napuntahan niya na.
"Gusto ko din mag-travel one day."
Sabi ko sa kanya at ngumiti ito sabay tango.
"Yeah, you should. One day."
Madami pa kaming napagkwentuhan at halos hindi ko na namalayan na gabi na pala. Siya na ang naghatid sa akin sa bahay. Nagpasalamat ako sa kanya bago bumaba ng kotse at pumasok sa loob ng bahay.
Doon ko naabutan sila Jongin at Krystal. Nakaupo si Krystal habang nakatayo naman si Jongin. Matalas ang mga tingin nila sa akin. Para bang kanina pa nila ako hinihintay.
"Did you enjoy your date with that Suho, hyung?"
Nagtatakang napatulala na lang ako kay Jongin. Bakas ang galit sa tinig nito. Lumapit ito sa akin at hinawakan ng mahigpit ang braso ko.
"So you're having an affair behind my back?"
Asik nito sa akin. Mas diniinan pa niya ang hawak niya sa akin kaya naman napa-aray ako pero parang hindi niya iyon narinig.
"Damn. Such a slut. You love c***s so much, don't you? Ilang beses niyo na bang ginawa ang bagay na yun, ha, hyung?!"
Tumataas na ang boses nito at mas lalo pang dumiin ang hawak niya. Napaigtad ako sa sakit.
"Na-sasak--tan ako!"
Halos pasigaw na sabi ko na lalo pa niyang ikinagalit kaya padaskol na itinapon niya ako sa sofa. Hindi ko na napigilan ang mga luhang naglandas sa mga mata ko.
"Talagang ipinakita mo pa sa akin ang pagdadate niyo ha. Pwes tignan mo din ito!"
Turan niya sabay hatak kay Krystal at hinalikan ito sa labi. Ikinawit naman agad ni Krystal ang mga braso niya sa leeg ni Jongin. Naging mapusok ang halikan nila at hindi ko iyon kinaya. Iniwas ko ang mga mata ko at marahan na pinahid ang mga luha ko.
Tuloy-tuloy lang silang dalawa sa ginagawa nila at narinig ko pa ang mga ungol nila. Mas lalong piniga ang puso ko. Ang sakit-sakit na na halos hindi na ako makahinga.
Bakit Jongin? Bakit?
"Hindi ka kasi marunong makuntento, Kyungsoo oppa. Talagang may gana ka pang lokohin si Jongin-ah."
Napalingon na ako sa kanilang dalawa. Nakatingin sila pareho sa akin, nag-aantay sa mga sasabihin ko. Bumuntong hininga ako bago tumayo.
"Hindi ako ang naghanap ng iba, si Jongin iyon. Hindi ako ang nagloko, si Jongin iyon. Hindi ako ang hindi nakuntento, si Jongin iyon. Wala kang karapatan na pagsabihan ako Krystal dahil ikaw ang kabit sa ating dalawa."
Tinignan ko si Jongin na para bang natauhan sa mga sinabi ko.
"Mahal kita, sobra na tinanggap pa kita kahit niloloko mo lang ako. Mahal kita kahit na ang sakit-sakit na. Mahal kita kahit parang wala na yung dating ikaw. Pero bakit ganito? Ang sakit-sakit na na halos gusto ko na lang bitiwan ka? Ganito ba talaga dapat? Akala ko ba ako lang? Akala ko ba walang iwanan? Pero bakit may Krystal ka na?"
Naglandas na naman ang mga luha sa mga mata ko at nakita ko ang paghakbang ni Jongin palapit sa akin. Humakbang ako paatras at itinaas ang mga kamay ko para pigilan siya sa paglapit.
"Hyung..."
"Noong nakita ko kayong dalawa dito sa bahay dalawang taon na ang nakalipas ay parang sinaksak mo ako. Humingi ka ng tawad at tinanggap ko iyon. Sabi mo hindi ka na uulit pero ginawa mo na naman. Tinanggap pa rin kita kahit masakit na. Mahal kita eh, mahal na mahal. Naramdaman ko ang pagbabago sayo sa loob ng dalawang taon, mas siya na ang palagi mong kasama. Mas siya na ang inuuna mo."
"Hyung... Kyungsoo..."
"Hindi ako nagtanong kung bakit. Hindi ako nagreklamo kung bakit. Hindi ako nagsalita. Patuloy kitang minahal ng buo kahit na sa puso at buhay mo meron na akong kahati. Nakuntento ako sa kaunting oras na nakakasama kita. Wala kang narinig na kahit ano mula sa akin. Kahit na yung oras na para sa akin ay nakukuha niya dahil kailangan ka niya ay hindi ko kinwestyon. Walang kahit anong panunumbat mula sa akin. Wala dahil mahal kita."
Tumulo na naman ang mga luha ko at nanlabo ang mga mata ko dahil dito. Kumikirot na ang puso ko. Sobrang sakit na. Hindi ko na kaya. Tama na.
"Sobrang sakit na, yeobo. Sobrang sakit na. Yung bawat pag-gising sa umaga na wala ka sa tabi ko pakiramdam ko mamamatay ako. Yung bawat pagtulog sa gabi na hindi ka kasama pakiramdam ko mamamatay ako. Bakit tayo umabot sa ganito? Dati naman masaya tayo ah? Anong nangyari? Nagkulang ba ako? Sana sinabi mo kung oo, para hindi tayo nauwi sa ganito. Hindi sana tayo umabot sa ganitong sobrang sakit na na gusto ko ng bumitaw."
Nakita ko ang pagtulo ng mga luha sa mata niya. Umiiyak na si Jongin at si Krystal naman ay tumakbo palabas ng bahay. Nagtangka si Jongin na lumapit muli pero humakbang na naman ako paatras.
"Kyungsoo hyung..."
"Tama na, Jongin. Let's not hurt each other anymore. I don't want you torn between the two of us. Choose her, be with her. Ayos lang ako. Magiging okay lang ako. Kakayanin ko. Matapang naman ako, di ba? I've lived almost all of my life alone, so being without you again will be easy for me. Tama na yung naging masaya ako sa loob ng tatlong taon. The memories that we had in those years are enough to keep me company for the next years to come. Masakit na naman eh, hindi ko na kaya."
"Hyung, no. Please..."
Nakapikit pa ito habang nagmamakaawa. Lumuhod pa ito sa harapan ko.
"Hyung..."
"Ayoko na Jongin. Maghiwalay na lang tayo. Mahal kita pero hindi ko na talaga kaya. Pakawalan mo na ako habang alam ko pa sa sarili ko na mahal pa talaga kita. Ayokong dumating yung araw na imbes na ang masasayang alaala natin ang maisip ko ay mga masasakit na bagay na nagawa mo sa akin ang pumasok sa isipan ko. I don't want to hate you, Jongin. Please, let's stop this."
Patuloy ang pagpatak ng aking mga luha at ganun rin ang mga luha niya.
"I love you."
Aniya sabay tayo at lumapit sa akin. Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit, hinayaan ko na siya dahil wala na akong lakas para umiwas pa.
"I love you, too. Pero ang sakit na. Sobrang sakit na talaga."
Isinubsob niya ang mukha niya sa aking leeg. Ramdam ko ang mga luha galing sa kanyang mga mata. Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
"I'm sorry... for everything."
Bakit ba kailangang may kalakip na sakit ang pagmamahal? Bakit hindi pwedeng masaya na lang palagi?
Fin.