Prolouge

785 Words
''Mahal mo pa ba  ako?'' tanong ni Kristine kay Mark habang hilam na  ng luha ang kanyang mga mata. ''Ano bang klaseng tanong yan?'' iritadong sagot ni Mark kay Kristine. ''I don't know. Maybe I just want to hear from you if you still love me.'' ''Putang ina! Kristine paulit-ulit lang eh.'' pasigaw ng binata sa kanya. ''Wag ka naman magtaas ng boses, gusto ko lang naman marinig o malaman kung mahal mo pa ba ako o kung hindi na.'' malumanay niyang sagot dito. ''Kung ano ang tingin mo iyon na yon! Matalino ka diba? alam mo lahat  bakit mo pa itatanong.'' sabi ni Mark sa kanya. ''Ibig bang sabihin niyan ay hindi mo na ako mahal?'' muli niyang inulit ang tanong. ''Maghiwalay na lang tayo! paulit-ulit lang naman eh.Hindi mo kayang ibigay lahat ng kailangan ko o gusto ko, tama nga ang sinasabi ng iba na, hindi mo maibibigay ang lahat dahil may anak kana.'' Sa narinig niyang  sagot ng binata ay parang sinaksak sa dibdib si Kristine. Hindi niya alam na ganon  pala ang tingin ng binata sa kanya, gayong lahat naman nang makakaya niya ay binigay niya rito, na halos wala nang natira sa sarili niya. Pinuntahan niya ang binata kung saan ito nakadestino. Umalis siya sa kanyang trabaho kahit na kasalukuyan siyang sinasanay bilang isang supervisor sa isang Electronics Company. Dahil lagi nilang napag-aawayan ng binata ang kawalan niya ng oras at panahon para dito. Kaya nag-desisyon siyang umalis sa trabaho upang mabigyan ng oras ang relasyon nilang unti-unting nasisira dahil sa malayo sila sa isa't-isa. Pero hindi niya lubos   akalain na ang pagdalaw sa binata kung saan ito nakadestino ay doon na din pala nito tatapusin ang lahat. Na ang ginawa lang dahilan ay ang kakulangan niya. Ang mga bagay na hindi niya maibigay rito. ''Wag mo naman gawin sa akin ito baby, nakikiusap ako sayo.''  pagmamakaawa niya  kay Mark. ''Tama na  Kristine, wala nang patutunguhan ang relasyong ito.'' tanging sagot lamang ni Mark kay Kristine. ''Siguro nga hindi talaga ako ang babaeng karapat-dapat para sayo baby, na kahit anong gawin ko para lang matanggap mo  ng buo, mahalin mo ng buo, ay hindi mangyayari iyon, dahil isa lang akong babaeng  may anak at hindi pinanindigan.  Naghangad siguro ako ng sobra.'' sabi ni Kristine habang ang mga mata ay patloy na lumuluha. Sa  mga sinabing iyon ni Kristine ay nanatili lamang na nakatayo si Mark, walang imik na nakatingin lamang sa kanya.   ''Wag kang mag-alala, hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa iyo.'' pagsisimula muli ni Krisitne. ''Siguro nga'y wala  ka nang natitirang pagmamahal pa sa akin at siguro din ay kasalanan ko lahat kung bakit nagbago ka dahil hindi ko maibigay lahat sayo. Pero sa totoo lang mas minahal kita ng higit pa sa sarili ko, wala akong Itinira para sa sarili ko. Kinalimutan ko ang sarili ko para sayo baby.'' pagkatapos niyang sabihin ang gusto niyang sabihin sa binata ay dali-dali niyang kinuha ang kanyang bag at mabilis niyang inilagay sa loob ang kanyang mga damit. ''Saan ka pupunta?'' tanong ng binata na noo'y muli itong nagsalita. ''Aalis na ako, uuwi na ako.'' sagot niya na hindi  tumingin sa binata. ''Hindi kita pinapaalis.'' sabi ng binata. Doon nag-angat ng tingin si Kristine at mapaklang ngumiti. ''Hindi ko na siguro kailangan pang manatili dito Mark.'' sagot niya. ''Putang ina! bahala ka sa buhay mo.''  pasigaw na sabi ni Mark. Pagkatapos niyang ilagay lahat ng gamit niya sa bag ay binitbit na ito  Naglakad siya patungo sa pinto ng kwartong inupahan nila  pero tumigil siya at muling nagsalita. ''Alam kong hindi mo ako maipagmamalaki sa lahat Mark, pero ni  minsan sa buong relasyon natin ay wala akong ginawang mali. Maybe  my old faded ripped jeans would be out of place to your world of  camouflage. I'll never fit in. Never.'' mga salitang binitiwan niya sa binata bago  niya tuluyang lisanin ang lugar na iyon. Paglabas ni Kristine sa lugar na iyon ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Gabi na rin at hindi niya alam kung saan siya pupunta, kung mayroon pa ba siyang masasakyan pabalik ng Maynila. Lumakas ang buhos ng ulan pero hindi alintan ni Kristine iyon. Bawat patak ng ulan sa kanya ay nagdudulot ng lamig sa buong katawan niya, pero binalewala niya iyon. Naglakad siya sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. Naisip niyang nakikiramay ang kalangitan sa muling pagkabigo niya sa pag-ibig.  ''Sana'y tangayin na lamang ng ulan ang sakit na nararamdaman ko.'' bulong ni Kristine habang ang mga mata'y walang tigil sa pagpatak ng luha. Laking pasasalamat na lamang niya at umuulan dahil hindi makikita ang mga luhang nag-uunahang pumatak sa mga mata niya dahil nababasa ng ulan ang buong mukha niya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD