SI Gjiam ay isang gwapo at romantikong istudiyante ni Teacher Faith. Nagkamabutihan ang dalawa ngunit ginamit ng ama ni Gjiam ang pagkakataon para makapaghiganti sa ama ni Teacher Faith. Na-set up ang dalaga dahil kay Gjiam. Nakulong. Na-torture sa loob ng kulungan. Nahatulan siya kahit pa matibay naman ang mga ebidensiyang naipresnta sa husgado. Habang nakakulong, pinatay pa ng Daddy ni Gjiam ang kanyang Daddy. Alam niyang wala na siyang iba pang pwedeng gawin kundi ang magpakatatag at lumaban. Ngunit paano niya iyon gagawin? Nakakulong na siya. Wala siyang kalayaan at kakayanang mailigtas ang noon ay nasa panganib ding Mommy at bunso niyang kapatid na babae. Buo na ang loob niya, gagawin niya ang lahat, lalaban siya para makapaghiganti sa mga taong nang-api sa kanya.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


