Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 42 Gawa sa kahoy ang lahat ng bahagi ng bahay at may mga halaman pa sa loob ngunit kung may nakapasok man, makikita ko agad iyon. Mabilis kong tsinek muli ang lahat ng bintana. Lahat iyon ay sarado. Ngunit alam ko, ramdam kong may mali. “Who’s there!” hindi iyon tanong. Isang pagbabanta na hindi ko sasantuhin kung sino man ang naroon. Mas hinigpitan ko ang paghawak sa nakuha kong armas na kutsilyo at ikinasa ko na rin ang aking baril. Wala akong maramdamang pagkilos. Napabuntong-hininga ako. Anong nangyayari sa akin? Walang ibang tao. Saan naman makakapasok kung sakali samantalang lahat ng bintana at pintuan ay naka-lock sa kusina. Sino naman ang magtatangka sa akin dito? Pagbalik ko sa s

