Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 55 IVY’S POINT OF VIEW “Okey, after our dinner, uuwi tayo sa bahay at ipakikita ko sa’yo na mawawala na si Emma sa buhay nating dalawa.” “Mawawala? Be specific on what you mean.” “Mawawala. Na palalayain namin ang isa’t isa.” “Good. Akala ko kung anong ibig mong sabihin na mawawala. Akala ko tuloy ipapapatay mo.” Maya kasunod iyong nakakainis na halakhak. Namula siya. Mukhang hindi naging comfortable sa biro ko. Biro kunyari pero alam kong ang taong guilty, sapol iyon sa kanyang puso. “Okey na sige na, payag na ang ako sa gusto mo. “I feel special, Jack. Ipinatong ko ang kamay ko sa kamay niya. Ngumiti ako habang titig na titig sa kanyang mga mata. “In one condition ha, uulitin ko. Huwag mong kalimutan. Give her

