TINA
Iniwan ako dito sa labas nang gate nang lalaking tumulong sa akin, hindi man lang ako nakapagpasalamat at di ko man lang nalaman kung ano ang pangalan niya. Kahit takot na takot ako ay naglakad ako palabas para makahanap nang masasakyan pauwi, naiiyak na lang ako dahil hindi ko sukat akalain na mangyayari ito sa akin. Kung hindi dumating ang lalaking tumulong sa akin ay malamang baka nagahasa na ako nang matandang yon.
Malayo layo na din ang nalalakad ko pero kahit isang sasakyan ay wala akong makita na dumadaan. Hindi ko alam kung anong lugar ito nang kamaynilaan, bihira ang mga bahay at layo layo pa. Mga pawang mayayaman lamang yata ang mga nakatira dito. Nabuhayan ako nang loob ng makarinig ako nang ingay na nanggagaling sa isang motor. Agad akong pumunta sa gitna nang kalsada saka ko inunat ang dalawa kong braso para tumigil siya.
"Kuya tulungan niyo po ako!" pakiusap ko sa lalaki.
"Ma'am ano pong ginagawa niyo dito ng mag isa masyado pong delikado ang lugar na ito para sa kagaya ninyong babae." puna sa akin ng lalaki.
"Kuya pwede niyo po ba ako tulungan makarating lang po sa sakayan, please! Kailangan ko lang pong makauwi may gusto lang pong manamantala sa akin." nanginginig ang boses na pakiusap ko sa lalaki.
"Sige po Ma'am sumakay na po kayo dito sa likod ko at ihahatid ko po kayo sa sakayan. Taga saan po ba kayo?"
"Taga Paranaque po ako." sagot ko.
Hinatid ako nang lalaki sa sakayan at agad naman akong nakasakay nang taxi, nagpahatid ako sa bahay namin, paghinto nang taxi sa tapat nang bahay namin at agad akong nag abot nang isang libo at agad na bumaba hindi ko na kinuha ang sukli dahil ang gusto ko lang ay makapasok sa loob nang bahay at magpahinga.
Si manang ang nagbukas nang pinto para sa akin at gulat na gulat siya nang makita niya akong punit ang suot na damit ko ko.
"Iha, anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang hitsura mo? At bakit mag isa ka lang na umuwi nasan ang mga magulang mo?" sunod sunod na tanong sa akin ni manang.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo nang luha ko,
"Manang, muntik na po akong pagsamantalahan nang isa sa mga bisita sa party." umiiyak kong sabi.
"Jusko ka kang bata ka, alam na ba ito ng mommy at daddy mo?"
"Hindi ko po alam manang kung alam na po nila, may tumulong lang po sa akin na lalaki at iniligtas ako sa manyakis na matandang yon." umiiyak ko pa ding sumbong kay manang.
"Tumahan kana iha, magpasalamat na lang tayo at nakaligtas ka at walang nangyaring masama sa iyo. Umakyat kana sa kwarto mo nang makapagpalit kana at makapag pahinga hihintayin ko pa ang mommy at daddy mo." utos sa akin ni manang.
Naglakad ako papunta sa aking silid at dumiretso sa banyo gusto kong maligo at maghilod para mawala ang anong bacteria na kumapit sa akin galing sa kamay nang matandang lalaki na yon. Habang nakatapat ako sa shower head ay hinayaan ko lang ang tubig na dumaloy sa aking katawan. Kasabay nito ang patuloy din na pagdaloy nang aking mga luha, awang awa ako sa sarili ko pakiramdam ko mag isa lang ako walang kahit sino ang may pakialam sa akin. Kinuha ko ang loofah scrub at nilagyan ito nang madming body wash at ikinuskos ko ito sa dibdib ko nang paulit ulit kasabay nang impit kong pag hikbi. Paulit ulit ko itong ginawa hanggang sa maubos ko ang body wash na nasa plastic bottle. Pero kahit anong gawin ko ung takot at pakiramdam na parang ang dumi dumi ko pa din ay hindi mawala sa isip ko.
"Kailangan mong maging malakas Cristina, hindi ka pwedeng panghinaan nang loob, hindi ngayon at hindi kailanman. Kailangan mong maging matatag konting panahon na lang, ilang araw na lang makakaalis ka din sa bahay na ito. Konting tiis pa Tina" paulit ulit kong usal sa sarili ko.
Paglabas ko nang banyo ay agd akong nabihis nang pantulog hindi ko na nakuhang iblow dry ang buhok ko dahil sa sobrang pagod na ang katawan ko. Nahiga ako sa kama hanggang sa hindi ko na malayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako sa ingay dahil sa malakas na kalabog sa aking pinto. Boses ito ni mommy parang gusto niya nang gibain ang pinto nang aking silid.
"Tina, gumising ka dyan, buksan mo iotong pinto!" sigaw ni mommy kasabay nang sunod sunod na pag hampas niya dito. "Manang, nasan na ang susi? Kanina pa kita inutusan hindi mo pa din kinukuha!" dinig kong sabi ni mommy kay manang.
Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ang pinto o hindi. Natatakot ako sa maari sa aking gawin ni mommy. Kahit nanginginig ay lumapit ako sa pinto para buksan ito, wala akong choice kundi ang gawin ito. Pag bukas ko nang pinto ay sumalubong kaagad sa akin ang galit na galit na mukha ni mommy. Pagkapasok niya ay agad niya akong sinapal nang malakas kaya napaupo ako sa sahig habang umiiyak.
"Mommy, bakit po?" umiiyak kong tanong sa kanya.
"Bakit? Nagtatanong ka pa alam mo ba na napakalaking gulo nang ginawa mo kay Mr. Ramirez!" nanlilisik ang matang sabi niya sa akin.
"Mom, wala po akong ginagawa sa kanya, siya po ang may ginawa sa akin muntik niya na po akong halayin." humahagugol ko na ding sabi.
"Do you think paniniwalaan kita, ang sabi ko makipag usap ka lang hindi ko sinabing akitin mo siya at gumawa nang eskandalo. Alam mo ba kung anong kahihiyaan ang inabot namin nang daddy mo sa party. Madaming investor ang nag back out dahil sa nangyari kay Mr. Ramirez na ikaw ang may gawa." mom said in a very loud voice.
"No mom, kung hindi niyo ako hinayaan at iniwan sa matandang manyakis na yon hindi to mangyayari sa akin. Hindi ko mararanasan ang mamolestya nang isang matandang malibog na yon!" histerikal ko na ding sagot sa kanya.
"Madam, tama na po yan huwag niyo na pong saktan si tina, totoo po ang sinasabi niya nakita ko po siyang umuwi na punit ang suot niyang gown. Maawa na po kayo sa kanya." pakiusap ni manang kay Mommy.
"Isa kapa kaya tumitigas ang ulo nang batng iyan dahil sa pangungunsinti mo. Hindi ikaw ang magulang niya kaya wala kang karapatan na makialam sa problema naming pamilya at kung paano ko disiplinahin ang anak ko." halos parang gusto nang lamunin na ni Mommy si manang dahil sa galit.
"Pasensya na po madam, pero sa tingin ko po hindi na po tama ang ginagawa niyo sa anak ninyo. Ginagawa po ni Tina ang lahat para maging proud kayo sa kanya, nakiita ko po kung gaano siya kasabik na maramdaman na anak niyo siya. Pero kahit kailan hindi niyo yun pinaramdam sa bata. Nasasabi ko po ito dahil ako ang kasama niya mula noong maliit siya, kapag po ba ibinigay niyo lahat sa kanya ay sapat na yon para tawagin kayong mabuting ina. Hindi ho ba dapat ikaw din po ang unang poprotekta sa kanya dahil ikaw ang ina niya."
Dahil sa mga sinabi ni manang ay lalo kong nakita ang matinding galit ni mommy, humarap siya kay manang at akma niya na itong sasaktan pero iniharang ko ang aking sarili kaya sa akin dumapo ang kamay ni mommy.
"Lumayas ka sa pamamahay ko, hindi ako kumuha nang katulong para lang pagsalitaan ako nang ganyan, hindi mo alam kung ako ang hirap ko bago namin narating ang ganitong estado nang buhay. Kaya huwag mong kwestyunin kung paano ko palakin ang mga anak ko!" nanginginig na sabi ni maommy.
"No mommy please! Huwag mo pong paalisin si manang please." pagmamakaawa ko sa kanya.
"We're not done yet, Tina. Just pray that Mr. Ramirez won't sue us, or you'll really be in trouble with me. You ruined everything that you're Daddy and I worked hard for. And who's that man who helped you? Is he your boyfriend? When did you even get a boyfriend? You're really worthless, Tina." huling salita ni mommy bago siya tuluyang lumabas sa silid ko.
Humarap ako kay manang saka ko siya niyakap nang mahigpit.
"Manang, I'm sorry po kung nadadamay ka sa problema ko. Hindi kana dapat sumagot pa kay mommy, hinayaan mo na alng sana ako. Sanay na ako sa kanya manang, kaya next time hayaan mo na lang." umiiyak kong sabi sa kanya.
Si manang lang ang kakampi ko sa bahay na ito, siya lang ang bukod tanging nakakaalam nang mga nararamdaman ko. Siya ang takbuhan ko kapag masama ang loob ko. Siya ang nag aalaga sa akin kapag may sakit ako. Mas naging nanay pa siya sa akin kesa sa totoo kong mommy kaya hindi ko kakayin kapag umalis sa amin si Manang.