TINA "Angel, ano sa tingin mo papayag ba akong sumama kay Mayor sa party ng Mommy niya?" tanong ko habang nandito kami sa garden at umiinom ng juice. Kakauwi ko lang galing nang munisipyo at day off naman ngayon ni Angel. "Ikaw? Wala naman masama kung sasama ka, saka hindi mo ba napapansin kung makabakod sayo si Mayor daig pa ang boyfriend. Hindi pa ba nanliligaw sayo? Kasi halatang halata naman na malaki ang pagka gusto niya sayo." sabi ni Angel. "Actually, nag sabi na siya kahapon na manliligaw siya sa akin. Hindi lang ako sumagot kasi hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Ang sabi ko pag iisipan ko muna, sa dami na kasi ng nangyari sa aki hindi ko na alam kung kakayanin ko pang makipag relasyon. Masaya na ako na ganito ang buhay ko malayo sa gulo at malayo sa nanay ko na wala ng gina

