TINA Ilang araw din akong hindi pumasok sa opisina dahil inalagaan ko si Harold, hindi kasi pwedeng wala siyang kasama dahil mahihirapan siyang maglakad mag isa. Ngayon ay naghihilom na ang sugat niya at medyo maayos na siyang maglakad. "Love, thank you sa pag aalaga mo sa akin, ang galing talaga nang personal nurse ko." malambing niyang sabi habang pinapalitan ko siya nag sando niya. "Sus, nagdrama kapa wala yun basta ikaw nanginginig pa." biro ko. Pagkatapos ko siyang bihisan ay lumabas na ako ng kwarto para magluto nang pananghalian naming dalawa. Kung tutuusin para na nga kaming mag asawa, nagsasama na kami sa iisang bubong at ginagawa ang mga bagay na ginagawa lang dapat nang mag asawa. Mabuti na lang at umiinom ako nang contraceptives kaya kahit papaano ay safe ako. Hindi ko pa k

