TINA "Tina, totoo ba na kayo na ni Mayor?" tanong ni Angel. Simpleng ngiti lang ang sinagot ko sa kanya at hindi na ako nagbigay pa ng ibang detalye. "Cristina, ano ngingitian mo na lang ba ako? Umamin kana, sinagot mo naba?" makulit niyang tanopng. "Opo," masaya kong sabi. "Hindi naman sa ayaw kong maging masaya ka, pero paano kung magkita kayo ni Harold? Ang alam kasi niya patay kana, paano kung isang araw bumalik siya sa buhay mo? Sino ang pipiliin mo?" Bigla akong natigilan sa tanong ni Angel sa akin, sa lahat ng mga kasama ko dito sa bahay tanging si Angel lang ang may alam kung ano ang tunay kong pagkatao. "Hindi ko pa naiisip yan, pero kung halimbawa ngang dumating ang araw na mag krus ulit ang landas namin siguro mas pipiliin ko ang tahimik na buhay sa piling ni Rayven." "Pa

