PIA
nakayukong naglalakad ako sa corridor,malalim na napahugot ako ng hangin,hanggang ngayon kasi di parin ako nakakamove on sa nangyari na tinawanan pa ni dan,akala ko limot ko na sya!akala ko lipas na yung paghanga na dati kong nararamdaman para sakanya.
naupo ako sa upuang bato na nakahilera sa ilalim ng mga puno,napaangat ang ulo ko ng may mahulog na dahon sa suot kong palda dahil sa hangin.
tulad ng dahon na hawak ko ngayon,ganito din ako kadaling nahulog sa lalaking masungit at manhid pa,ano ba kasing nagustuhan ko don?nagpapadyak na maktol ko habang nakaupo.
"whats the matter?"napalingon ako sa nagsalita,nakangiti sya sakin at umupo sa tabi ko.
"nothing.."nakatingin sa dahong sagot ko.
magsasalita pa sana sya ng may tumawag sakanya.
"tom!practice daw!"kumakaway na sigaw nung leo sakanya.
nakita kong marahan lang syang tumango at lumingon sakin.
"we'll talk some other time."seryosong sinabi nya sakin bago tumakbo sa naghihintay na si leo.
naguguluhang sinundan ko sila ng tingin,kakausapin nya ko?tungkol san naman kaya?
"I see..kaibigan ko naman ang type mo."nanigas ang katawan ko ng marinig ko ang walang emosyon nyang boses.
"I dont!"ngumisi lang sya sa bigla kong outburst,parang nang aasar na tumingin din sya sa kanina'y tinitignan ko na si tom.
"tell me something I dont know flirt.."nakapamulsang tinalikuran nya ko at sumunod na kila leo at tom.
ano bang problema nila?kakaiba mga kinikilos nila parang may mga sapi ata,tsk.
"so you're here lang pala.."naupo si dee sa inupuan kanina ni tom.
winagayway ni dee ang palad nya sa kamay ko ng di ako magsalita.
"alam mo bang uuwi this summer si jace?"nadivert ang isip ko sa sinabi ni dee.
jace?
nang matauhan ako at nagsink in sa utak ko ang sinabi ni dee ay nanlaki ang mga mata ko,hindi sa gulat kundi sa panunukso.
iniwas nya agad sakin ang mga tingin nya ng tinitigan ko sya ng may panunukso,namumula ang loka haha!
"edi kunyaring imbyerna ka nanaman?"di padin naaalis ang mapanuksong titig ko kay dee.
"kunyari ka dyan!totoo kayang nakakaimbyerna ugali nun!napakasungit lagi nalang nakasimangot pagnakikita ako buti nalang talaga hmp!"natatawang minasdan ko ang pagsalubong ng kilay nya,partida wala pa dito si jace ng lagay na yan.
"buti nalang ano?gwapo?"pagdugtong ko sa sinabi nya kanina,matalim na tinignan nya ko at matamis ko namang syang nginitian.
nagtataka talaga ako sa ugali ni dee pag si jace na ang pinag uusapan,samantalang kilala ko syang pasensyosa at mabait may pagka aloof pa nga ang isang to,biruin nyo walang crush!
teka nga di kaya?makahulugang tinignan ko sya,tinaasan naman nya ko ng kilay,I smell something..
"tell me dee,do you like jace?"nanlaki agad ang mga mata nya na para bang na bull's eye ko sya!haha!sabi na nga ba.
"you dont have to answer,sa reaction mo palang alam ko na!"natatawang sabi ko.
"di ko sya crush noh!"napatayong sigaw nya na lalo kong kinatawa.
"ang tanong ko if you like him,hm?crush mo pala sya ah!"namumulang tinulak nya ko at pikon na umalis.
patuloy padin ang pagtawa ko,grabe ang tindi talaga ng dating ni jace kay dee.
pauwi na ko at dahil napikon si dee sakin kanina ay alone ang drama ko,sakanya kasi ako laging sumasabay may taga sundo kasi yun eh.
naglalakad na ko sa gilid ng kalsada ng may mabilis na sasakyan ang dumaan na nag iwan ng usok na halos ulap sa kapal tsk!tinandaan ko ang plate number ng kung sino mang nagmamaneho nun.
pagod na pagod na sumalampak ako sa upuan sa sala pagdating ko ng bahay.
"oh iha bakit mukhang hapong hapo ka?"nagtatakang tumabi sakin si mama.
"si dee kasi napikon sakin kaya di ako sinabay pauwi."nakasimangot na sagot ko.
narinig kong humagikgik si mama sa tabi ko kaya nagtatakang nilingon ko sya.
"whats funny?"iritang tanong ko.
iling ang sagot nya pero patuloy padin syang tumatawa kaya binigyan ko sya ng what look.
"kilala ko si dee,hindi agad yun mapipikon siguro may ginawa ka nanamang kalokohan."napairap ako sa sinabi ni mama,hay kung alam mo lang ma.
"uuwi si jace kaya badtrip sya."sabi ko nalang.
"ganun ba?edi ayain mong dito muna sya sa bakasyon."natatawang sabi ni mama bago tumayo at bumalik sa kusina.
di naman papayag yun pag niyaya ko dahil aminin man nya o hindi,halata namang gusto ni dee si jace,at isa pa di nun maiiwan ang lola nya.
si mama talaga,pagdating kay dee ang bait pero pag mga classmates ko akala mo kung sinong strict kung makapagtaray.
dumiretso na ko sa silid ko at nagbihis.
kriiing..
Unknown number calling..
nagtatakang sinagot ko ang phone.
"yes?"-me
"can I talk to Sophia?"boses ng lalaki?sino naman kaya to?
"speaking,who's this?"-me
"si tom to."nagulat na napatingin ako sa screen pero agad ko ding ibinalik yun sa tenga ko.
"ikaw pala,hehe whats up?"naiilang na bati ko.
"can we talk in person?"napataas ang kilay ko sa sinabi nya.
"sure when?"-me
"actually nandito ako sa tapat ng bahay nyo."gulat na napadungaw ako sa bintana ng kwarto ko,napanganga ko ng kumaway sya sakin.
may magagawa paba ko?lumabas ako ng bahay at nagtatakang nilapitan ko sya.
"nakakagulat ka naman,nandito kana pala,so ano ba pag uusapan natin?"kunot noong tanong ko.
"ayoko lang kasing maunahan kaya sorry kung medyo nabibilisan ka pero ano kasi.."napahawak sya sa batok nya at mukhang kinakabahan,ano bang problema nito?
"come on say it.."naiinip na humalukipkip ako habang naghihintay sa sasabihin nya.
"ano kasi.."di makatinging umpisa nya.
gosh naiinip na ko at malamok kaya sa labas!nakashort lng ako noh!pagmamaktol ko sa isipan.
"can I court you?"seryoso syang nakatingin sakin.
"ah o--what?!"di ko inaasahan yung sinabi nya sakin.
god!bakit naman kaibigan pa ng taong gusto ko?!