PIA Mahirap talagang magmahal ng taong ni hindi ka pag aaksayahan ng panahong tignan,yung wala man lang pakialam sa kung masaktan ka man nya dahil ang dahilan nya di ikaw ang mahal nya,ang masaklap pa alam nyang masasaktan ka sa gagawin nya pero tinuloy nya pa din habang ikaw hanggang iyak nalang dahil wala kang karapatang magreklamo,kasi di naman nya sinabing mahalin ko sya kusa ko yung nadama. Ang akin lang naman kahit na di nya ko magawang magustuhan matatanggap ko pero sana naman isipin nya din na tao ako at nasasaktan,nagpapakatanga na nga ako ng mahalin ko sya kahit konting pakitang tao naman walangya naman oh! Umiiyak lang ako habang masuyong hinihimas ni Tom ang likod ko,bakit kasi sa dami ng magugustuhan ko yung taong ayaw pa sakin,hay di na ko natuto. Nang maubos ang luha ko

