Chapter 3

2444 Words
Ryle's POV "I'm s-sorry babi 'di 'ko na kaya." sabay tumalikod sya sa akin. No 'di ako papayag lalaban ako 'di ako susuko. "Babi please don't do this to me." Halos maiyak at mapaluhod ako sa kanya damn nadudurog puso ko. "Sorry Ryle but i need to break up with you," Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. Hindi ako makagalaw nanatili lang ako nakaluhod sa harapan n'ya. "Ano ba meron sa kanya na wala ako?" Kahit tumutulo na mga luha ko sa pisnge naglakas loob akong nagtanong sa kanya. "He's more worthful na mahalin Di kagaya mong lampa!" Bigla na lang dumilim ang paligid. Biglang dumilim ang paligid. Nakakaramdam ako ng para bang may sumasampal sa pisnge ko. Napakadilim ng paligid nagulat ako nang may nagsalita kung saan. "Kuya.." "Kuya!" "KUYA BANGON NA!" At sinampal nya ako ng pagkalakas dahilan para magising ako. Damn ang aga-aga pa it's just five in the morning and my little impakta sister's being so annoying and so loud again. Kaya naiinis ako sa kanya minsan nang gigising na nga lang nanampal pa ang impakta! Pero ba't ba lagi ko na lang naalala ang nangyari sa amin ni--- Arghh dapat 'wag na balikan ang nakaraan Ryle damn. Lagi na lang napapaniginipan 'yun. "Tulala ka pa dyan kuya," Nakangising sabi sa'kin. Wala ako sa mood para makipag-away kaya 'di ko na sya pinansin. Dahil sesermonin lang n'ya ako kala mo Kung sinong matanda. "The hell Kuya wag mong sabihin di ka pa nakakamove on kay ate—" Sa inis ko inihagis ko sa kanya ang isang unan para manahimik sya. Sinasagad na ko ng impakta na to. "Get out of my room now!" Maotoridad kong sabi sa kanya at tinuro ang pinto palabas. "Tss, bumaba ka na raw sabi ni Tita dahil kakain na" Sabay binato pabalik sa akin ang unan at kumaripas ng takbo palabas ng kwarto ko. "Madapa ka sana!" Sigaw ko ang aga-aga nambwibwisit ang impakta na yun. Five pa lang ng umaga pero ba't ang aga magluto ni Tita Jena? Baka may meeting or seminar ulit sila sa clinic nila. "Yawwnn." hikab ko ang aga pa para gumising. Kahit inaantok pa 'ko tumayo na ako mula sa kama dumiretso na ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ng 30 minutong ligo at nagpatuyo nako at nagbihis ng uniform ko. Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko naman yun at nakatanggap ako ng text mula sa unknown number. +63********** Message: Can we talk? Kita tayo after ng class mo : ) Talk talkin mo muka mo Di ko na yun sinagot at agad na inoff. Bumaba na ako at sakto kalalapag pa lang ng almusal na luto ni Tita. "Good Morning kumain kana." ngiting sabi nito. Agad na kong umupo sa silya at kumain na. "Good morning din tita." sabay ganti ng ngiti sa kanya. Damn Tita's smile is so gorgeous and worthful. Punong puno ng saya at kulay mga mata nya. Sayang nga lang tumandang dalaga at di na nag-asawa pero bakit? Mukang na sa 40's si Tita ni minsan di ko pa nakikitang magalit sa amin ito. Napakakinis at sobrang puti Ni Tita Kaya Di mo aakalain na matanda na to. Si Tita na ang nagsilbi naming magulang ni Honey. Simula nang iwan kami ng magulang namin ni hindi namin naramdaman na nag-iisa kami. Di tulad ng magulang namin walang kwenta. Kaya laking pasalamat namin Kay tita kahit pasaway kami sa kanya. Nagsandok na ko ng kanin at kumuha ng isang hotdog. Bumaba na rin yung impakta kong kapatid nakasuot na rin ng damit pamasok katulad ko. Same school lang kami at nilalakad Lang namin yun papunta kasi walking distance lang naman un mula dito. Umupo na si Honey sa tabi 'ko. At nagsimula na kumain sa gitna ng katahimikan at pangunguya ko bigla nagtanong si Tita. "Kelan ka na ulit magkakaroon ng Girlfriend ha Riri?" Tanong sa'kin arghh ayoko nyang tinatawag akong 'Riri'. "Tita stop calling me Riri." iwas Kong tingin sa kanya Alam ko umiinit na Ang pisnge ko sa hiya. Bahagyang natwa si Honey tiningnan ko Lang sya ng masama. "Wala po sa Plano ko mag-girlfriend Tita" Habol ko. Naiintindihan Naman Ni Tita Alam nya Kasi nangyari sa kin few years ago. "Kuya kelan Kaya natin makikita sila mommy at daddy?" Tanong sa 'kin ni Honey dahilan para tumigil at nawalan na Kong kumain. Huminga ako ng malalim at sinuklay ko na Lang Ang buhok sa inis. Lagi na Lang nya tinatanong mga Walang kwenta na Yun? Di ba s'ya naiinis? "They left remember? They will never come back" tinitigan ko sya sa mata napakalungkot nya nangungulila sya SA kanila. Alam ko Yun at nararamdaman pero na pangungunahan ako ng galit ng maalala ko mga ginawa nila sa Amin. Natapos na kami sa pagkain at nagpaalam na kami Kay na papasok na kami. Habang naglalakad papunta sa school napatigil sa paglalakad si Honey. "K-kuya mahal pa ba tayo nila mommy at daddy?" Napatigil ako sa paglalakad kahit Di ko sya lingunin Alam ko umiiyak na sya. Rinig ko Ang hikbi at pagsinghot nya. I hug her so tight and I kiss her forehead and I whisper. "Mahal nila Tayo..." "W-wala Lang sila time para sa atin ok? But andito ako si Tita na Mahal na Mahal ka" Napangiti si honey SA sinabi ko. Yumakap sya pabalik sakin. " Thank you Kuya I love you too Mahal ko din Kayo Ni Tita" my heart melt like an ice cream. Speaking of ice cream Alam ko na. "Treat Kita mamayang uwian NG ice cream gusto mo?" Lalo sya ngumiti at Parang kumikinang Ang mata nya sa saya. Sino ba Naman Ang hindi tatanggi sa libreng ice cream? "Promise mo Yun Kuya ha?" Tuwang Sabi nito. Tinaas ko Ang kabilang kamay ko bilang panunumpa. "Promise" Lumakad na ulit kami at makaratieng na kami sa school. Nag-paalam na si Honey na papasok na sya sa room nya. Tumango na Lang ako sa kanya. Habang naglalakad nakakaramdam ako NG presenya sa likod ko. May sumusunod ba sa'kin? Di ko na Lang Yun pinansin at dumiretso na ako sa room. Nica's POV "Allan K! Hahaha" "It's Alex Alvarado you stupid!" Pagtatama nya sakin ay wala na galit na si Allan K haha. "Naalala ko lang yung pangalan mo sa Eat Bulaga e." Na pa-nguso kong sabi "And so?" Nakasimangot s'ya sakin pikunin pala tong si Allan k eh Hahaha. "Sakto malaki rin ilong mo katulad sa kanya." Di ko mapigilan ang pagtawa. Halos mahulog na ako sa kinauupuan ko sa kakatawa. Pero nawala agad yun nung dumating si weirdo. Akala mo may galit sa mundo lagi nakasimangot. Pumasok na sya at di na nagabalang tumingin sa amin tss sungit! "Alex may kaibigan ba yang si weirdo? Lagi na lang yata nakasimangot yan." Bulong ko "Chismosa ka talaga" ngising sambit nito. Masama bang magtanong hmmp. "Meron naman kahit papano pero masanay ka na laging nakasimangot yan." "Once in a blue moon lang namin yan makita nakangit o tumawa." habol nito Napatigil na lang s'ya magsalita ng mapansin namin na nakatingin pala si weirdo sa amin ay hala lagot. Ang sama ng tingin nya di ko magawang makapagsalita o gumalaw man lang dahil sa titig nya sa amin. Pagkatapos nya kami titigan ay nag-iwas na sya ng tingin. Grabe titig pa lang tumataas na mga balahibo ko sa kaba. Nang dumating na ang subject teacher namin ay nagsimula na ang klase. Habang nagtuturo di ko maiwasan titigan tong si weirdo na ang himbing ng tulog. Tss oras ng klase natutulog pagalitan ka sana.. Napalingon ang guro namin sa pwesto namin. "Mr.Lazano nakikinig ka ba?" Takang tanong ng teacher namin ngunit hindi sumagot si weirdo nanatili pa rin dya nakayuko at natutulog. "Mr. Lazano are you with us?!" Bahagyang lumapit ng konti ito pero di pa rin gumigising si weirdo. Naubos na yata ang pasensya nito kaya lumapit sya sa pwesto namin at humarap kay weirdo. "MR.LAZANO ARE YOU LISTENING?!" Sigaw nya halos umabot ata sa labas ang boses nito at muntikan pang nahulog sa upuan si weirdo sa gulat nya. "Y-yes po S-señorita--- aruy po masakit." Mangiyakiyak nyang sabi nang pingutin sya sa patilya. "Kung hindi lagi late laging tulog sa klase ko! Gusto mo bang ibagsak kita?!" Parang bulkan na sasabog sa galit si Señorita Imelda. Di na lang ito nagsalita at kumibo. Naawa ako sa kanya kasalanan nya rin kasi kung di sya natulog edi sana di sya pinagalitan. "Sa susunod na mahuhuli kita di ka na pwede pumasok sa klase ko!" Sabay bitaw ng patilya kay weirdo at bumalik na sa harapan. Napahimas na lang sya sa patilya nya siguro nasaktan sya obvious naman yata. Maya maya nang mapansin nya na nakatingin ako sa kanya nagiwas agad ako. Nakakatakot kasi mga titig nya parang tinutunaw ka nito. Lumipas ang ilang oras ay natapos na ang klase namin. Sunod-sunod ang di pagdating ng mga susunod na subject teacher namin due to heavy rain chos baka may meeting sila. Kaya ito parang binagyo mga upuan namin wala na sa ayos at nag iingay na rin ung iba. May nagdadaldalan,nag-lalaro ng gadgets at mga katabi ko natutulog isa na dun si weirdo. Dahil sa wala ako magawa at tulog din si Allan napagdesisyon ko na pumunta na lang sa canteen para makipaglandi chos para kumain obvious naman yata kung ano ginagawa sa canteen tss. Naglakad na ako palabas at nagtungo na kung saan buti na lang medyo kabisado ko na mga daanan dito. Habang naglalakad napansin kong may sumusunod sa akin napalingon naman ako para kumpirmahin kung sino yun mahirap na baka makuha pa sa'kin ang ingat na ingat kong perlas. Paglingon ko si weirdo lang pala tss. Nagkunot naman ito nang matulala ako sa kanya ang ganda kasi pagmasdan ang brown eyes nya. "Sama ako..." walang ganang sabi nya at inunahan na ako maglakad. Aba sasama na nga lang e. Habang naglalakad may nakasalubong kami tatlong lalaki at nakangisi kay weirdo. Mukang kilala n'ya mga to at lumipat ang tingin sa'kin yumuko na agad ako. "Aba nandito rin pala kayo mga kulugo!" Sabay nilapitan nya to at pinagbabatok. Ganito ba sya mambati sa kaibigan nya? Tss weird. "Aray naman!" "Ganyan ka ba talaga mambati sa Amin?!" "Oo nga porque ka lang na hot chick" bigla tuloy uminit pisnge ko. Enebe nekekekeleg eke hey dew eke. Napatingin Naman sila sa'kin at pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Para ako na sa husgahan na para bang kinikilatis ako. Napatingin agad ako sa kanila at agad na umiwas ng tingin hmmp. "'Di ako sisiw nitong si weirdo" diinan ko talaga ang salitang 'sisiw' at 'weirdo'. Sinungitan ko lang sila at di ko na sila inabala pumunta na ko sa mga bakanteng pwesto at naupo. Hanggang dito ba Naman sinusundan ako nitong si weirdo kasama pa mga alepores nya. Bigla na lang sila nagsi-upo at tumabi sa'kin. "Hi miss ang ganda mo today" "Can i get your number?" "Ano ba binabastos nyo ang girlfriend ko!" Sabay nagtawanan ang tatlong loko-loko si weirdo tahimik lang at nakayuko. "Sorry, by the way im Aldian,Ryle's childhood friend." sabay lahad ng kamay tatanggapin ko na sana ng biglang may pumalo sa kamay nya at naglahad din sakin ng kamay. Lipad to kapag pinatikim ko ng isang malakas na suntok to. Halik ng halik sa kamay. "Stay away from my princess." Wow english nakaka-nosebleed ka pre. Tumingin naman sakin yung bata--- este yung kasama nilang unano ang sama ng tingin sakin may nagawa ba akong masama? "Im Rence..." Tipid nyang sagot at umiwas ng tingin sa 'kin , Problema nito? Napatingin naman ako dun sa englishero. "I'm Kerby just call me babe." sabay kindat sa 'kin. Yay Di tatalab sa 'kin yang kindat kindat na yan tusukin ko yang mata mo e. Tinanggap ko naman kamay nya at nakipag-shake hands. Kahit napaka-hangin nila pilit ko nakisama sa kanila. "Nice to meet you, I'm Nica." Ngiti ko sa kanila mukha naman sila mababait. "Wow nice name pusang-pusa ang dating!" "Tss I don't care..." "I want to lick your cat." Sabay halakhak nila. Ano raw? Lick your cat? Saan may pusa ba sa likod ko? Nagising na si Ryle at agad sinuntok ang tatlo sa braso. Problema nito? May sayad ata to sa utak. "Tss pervert." Bulong n'ya "Ako na mag-order tagal n'yo." Sabay tinawagan nya ang Isang bartender at nag-order na rin kami. Nang dumating na order namin nagsimula na kami kumain. Habang kumakain ng spaghetti pansin ko ang tahimik ng mga kasama ko. Pagkakataon ko na to para magtanong tungkol kay weirdo. "Ganyan na ba talaga si Ryle?" Bulong ko Kay Aldian. "Naku Kung alam mo lang." Sabay subo nya ng Isang donut sa bibig nya. Alam? Di ko Naman talaga Alam. "Masayahin at palatawa yan Dati." Bulong sa 'kin ni Kerby "Di Yan kasing lamig ng yelo." Mahinang Sabi ni Rence sa 'kin. Walang reaksyon lang yun maliit halatang bored. Di ko na lang s'ya pinansin. "E bat nagka-ganyan s'ya?" Curious talaga ako Dati palang masayahin si weirdo ano nangyari? Di umimik Yung dalawa pabalik-balik ang tingin sa 'kin at kay Ryle. Pagkatapos namin kumain binayaran na nila ang order nila at Ang order ko hihi mabait naman pala sila. Pabalik na kami Ni weirdo sa room tahimik Lang kami sa paglalakad. Bakit Kaya Di sinabi sa kin nun dalawa Yung dahilan? Tatanungin ko sana si weirdo kaso naisipan ko na sa ibang araw na lang baka sungitan Lang ako nito. Malapit na kami ni weirdo sa room pero nagulat ako nang hatakin nya ko at pumasok kami sa Isang lugar. Napayakap tuloy ako sa kanya. Ang bango nya shet. Naramdaman Kong uminit Ang pisnge ko sa kilig si weirdo kese eh begle begle neng hehetek. Bahagyang inamoy ko Ang polo n'ya At amoy strawberry Yun! Shems! Lumapit ang mukha nya sa kin halos 2 pulgada na lang ay pwede na nya ako halikan. Nagkatitig kami biglang tumibok ang puso ng kay bilis. "Wag ka maingay may nag-iikot na teacher baka mahuli tayo." bulong n'ya sa kin at natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa banyo kami. Tumango na Lang ko bilang sagot. Inabala ko na Lang sarili ko sa pag-amoy sa kanya. Mas hinigpitan ko Ang yakap sa kanya na Parang teddy bear. O mo ghod ang lambot nya para talaga syang Teddy bear. Bigla sya kumalas mula sa pagkayakap ko at iniwan na ko mag-isa. Ay bastos na to di man Lang ako niyaya! Makahatak sa kin kanina e! Hmmp.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD