Chapter Two

1032 Words
"Thank you po," nahihiyang pasalamat ni Beth sa daddy ni Kian. Pasimple din siyang lumingon kay Kian na dire-diretso nang pumasok sa kanilang gate. Tumango at ngumiti ang daddy ni Kian. Agad na din siyang naglakad papunta sa kanilang bahay na tapat lang ng bahay nina Kian. Pagpasok sa loob ng bahay ay muli niyang naalala ang bagay na maghapong gumulo sa kaniyang isipan. "Nandito na po ako!" sigaw niya pagkatapos ay dumiretso na siya sa kaniyang silid. Nilapag ang bag sa kaniyang kama at agad ginalugad ang kaniyang study table na nasa may bintana nakapuwesto. "Nasa'n ka na ba?" tanong niya habang isa-isang tinitignan ang naliliit na drawer. "Wala!" impit niyang tili. Napasabunot siya sa kaniyang buhok. Sunod naman niyang nilapitan ang bed side table niya. At nang wala pa din siyang nakita. Hinanap na niya sa kaniyang kama. Sa ilalim ng unan. Nagawa na din niyang tignan maging ang ilalim ng kutson niya at ilalim ng kama pero wala pa din. Nasuyod na niya ang lahat pero wala pa din. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang may sumagi sa kaniyang isipan. Hindi kaya nakita ni mama 'yun? tanong niya sa sarili. May pagmamadali ang bawat hakbang niya at agad pinuntahan ang kaniyang ina na sa mga oras na iyon ay abala sa pagluluto ng kanilang hapunan. "Ma!" tawag niya dito. "Anak, ano 'yun?" tanong sa kaniya ng ina na kasalukuyang naghihiwa ng gulay. Nagkamot ng ulo si Beth. Nakaramdam siya ng kaba. Hindi alam kung itutuloy pa niya ang sasabihin. "May nakita ka po bang pink na papel?" tanong niya sa kaniyang ina. Tumigil saglit ang ina sa ginagawa at ginawaran siya ng tingin. "Pink na papel?" Tumango si Beth at nag-iwas ng tingin. "O-opo, Ma. Scented paper po," nag-alangan niyang sagot at agad nag-iwas ng tingin. Umiling ang kaniyang ina. "Wala akong nakita." Tumango si Beth at tatalikod na sana nang muling magsalita ang kaniyang ina. "Hindi naman siguro love letter ang hinahanap mo," anito. Nanlaki ang mga mata ni Beth. Marahan siyang umiling-iling. "Okay," ani ng kaniyang ina. "Masyado ka pang bata para makipagpalitan ng love letter, okay?" Tumango si Beth. "Opo, Ma." Kinaumagahan... Nagkakagulo ang kaniyang mga kaklase pagpasok na pagpasok ni Beth sa kanilang classroom. Nagtatawanan, hiyawan at mga ito. Ang ilan ay tumitili. Bumuntong hininga siya at naglakad na papunta sa kaniyang assigned seat. Nang mapansin siya ng kaniyang mga kaklase ay biglang nagsipagtahimik ang mga ito. At pagkaraan lang ng ilang segundo ay muling bumalik ang ingay. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito. Dumiretso na siya sa kaniyang upuan dahil ilang minuto na lang at magsisimula na ang kanilang klase. Luminga-linga siya at napansin niyang wala pa si Kian sa upuan nito. Binuksan niya ang kaniyang bag at nilabas ang kaniyang assignment notebook. May assignment kasi sila sa unang klase nila ngayong umaga. Habang abala siya ay muling nabalot ng katahimikan ang buong silid. At saglit pa ay naagaw nang tuluyan ang atensyon ni Beth. "Kian, alam mo bang matagal na kitang crush." Nanlaki ang mga mata ni Beth nang marinig niya ang kaniyang lalakeng kaklase na si Alden. Ang hinahanap niyang pink na papel simula kahapon ay hawak-hawak ng lalakeng kaklase.. Nagtilian ang kanilang mga kaklase. Inaawat naman sila ni Alden para maipagpatuloy niya ang pagbabasa. As usual hindi sila pinansin ni Kian. Dumiretso ito sa kaniyang upuan. Hindi malaman ni Beth ang kaniyang gagawin. Hindi niya alam kung susugurin. Alumpihit ito sa kaniyang kinauupuan. Nagyuko siya habang ang kaniyang kamao ay madiin ang pagkakasara. "Summer noon at napakaganda ng sikat ng araw. Nasa labas ako ng aming bahay at nagdidilig ng mga halaman ng huminto ang isang sasakyan sa tapat naming bahay," pagpapatuloy ni Alden sa binabasang sulat. Nagkakagulo na ang kaniyang mga kaklase. "Sino ba 'yang nagsulat na 'yan?" tanong ng iba pero tanging tawa lang ang sagot ni Alden. "Doon kita unang nakita. Nakasuot ka ng marvel tshirt na kulay pula. Ang guwapo-guwapo mo sa suot mong iyon. Pakiramdam ko ikaw ang aking hero na magsasagip sa akin laban sa mga monsters." Hindi na nakatiis pa si Beth. Tumayo siya at mabilis na nilapitan si Alden na nasa harap at hawak-hawak ang kaniyang sulat. Akmang hahablutin na niya ito pero naiwas ni Alden ang kaniyang kamay. Tumawa ito. "Oh, bakit?" tanong ng lalake sa kaniya. Ngiting-ngiti pa ito. "Itigil mo 'yan. Akin na 'yan!" "Bakit, Beth, ikaw ba may-ari niyan?" tanong ng isa nilang kaklase na agad ding sinundan ng iba pa nilang kaklase. Napalunok siya at hindi agad nakasagot. Nagsimula na silang mangantiyaw. Bagay na ikinapula ng mukha ni Beth. Pero hindi niya ito pinansin. Muli niyang binalingan si Alden. Tawang-tawa din ang lalake. "Akin na!" matigas nitong sigaw sa kaniya. Imbes na ibigay nito sa kaniya pinagpatuloy lang nito ang pagbabasa. "Araw-araw kitang sinisilip sa may bintana. Mahal na yata kita, Kian." Pulang-pula ang mukha ni Beth. Hiya, kaba at galit ang magkahalong nararamdaman niya. "Love, Beth," pagtatapos nito sa pagbabasa ng kaniyang sulat. "Ano'ng masasabi mo, Kian?" tanong ni Alden kay Kian na ngayon ay pulang-pula din ang mukha. Hindi niya alam kung dahil sa pagkapahiya ito o dahil sa galit na para sa kaniya. Mabilis na naglakad si Kian palabas ng kanilang classroom. Nadagdagan pa ang galit na nararamdaman ni Beth. Pakiramdam niya ang umuusok na ang kaniyang tenga at butang ng ilong sa inis kay Alden. Personal na bagay ang love letter at hindi ito dapat pinapakialaman. Ano ang karapatan nito na isapubliko ang nilalaman ng kaniyang sulat para kay Kian. Gayong si Kian lang ang dapat makabasa nito. "I hate you! I hate you!" sigaw ni Beth kay Alden. Simula noon, hindi na siya pinapansin ni Kian. Kahit sulyapan ay hindi na nito ginagawa. Kahit magkapitbahay sila ay walang tiyansa na makapag-usap man lang sila. Naisip niya na marahil ay abot langit ang galit nito sa kaniya. Kaya naman napagpasiyahan niyang balewalain na lang din ito. Pagtunton nila ng high school. Parehas pa din sila ng eskwelahan na pinapasukan ni Kian. Alam na alam niya kung ilang beses magpalit ang binatilyo ng nobya. Habang lumalaki sila ay mas lalo pa ata itong gumaguwapo. Sinikap niyang balewalain at kalimutan na lang si Kian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD