RYLAN POV [Still Dec. 22.] Nagpaalam ako kayna tatay na titingnan ko kung sino ang nasa pinto, tumango naman sila bilang sagot. Paglabas ko ay nakita ko ang pagmumukha ng mga kababata kong mahilig mang indian, sabi pupuntahan ako kahapon pero di sumipot, kaya napa nakakunot ang kilay ko habang nakatingin sa kanila. "Haha, sorry na Rylan, may ginawa lang kami kahapon kaya di kami nakapunta dito" si Marco habang napapakamot sa batok dahil sa hiya. "Oo nga pre, sorry na, miss ka na namin" si Glenn "Tayo na pre, marami-rami pa tayong pagkukwentuhan" si kiko sabay akbay na naman sakin. Naglakad kami papunta sa tambayan namin mula noon, ang tindahan ni aling Rosa. Bumili muna kami ng softdrinks para di kami palayisin ni aling Rosa dahil sa pagtambay dito. Umupo kami sa isang tabi dala a

