RYLAN POV "Dylan, pasensya kana talaga ha, ginabi ako sa labas." ani ko dito, habang naglalakad na papunta sa kusina. "Ok lang Ry ko, mukhang nag enjoy ka naman sa paglalaro." nakangiti pa nyang sabi "Hindi ka ba galit?" tanong ko naman, nakasimangot kasi sya pagbukas ng pinto kanina. "Hindi ako galit, nag alala lang ako sayo kasi gabi na," sabi naman nya sakin habang nakasunod sakin. "Ok lang ako Dylan, may humarang kasing babae sakin diyan sa labas kanina kaya ako ginabi," sabi ko pa ng makarating na kami sa kusina. Nagulat ako ng bumukas kanina ang pintuan, nakasimangot si Dylan habang nakatingin sakin, wala naman syang ibang sinabi kundi lang ay unahin ko muna daw magbihis at magpahinga bago ako magluto. Napansin kasi nya na dederetso ako agad sa kusina ng makarating ako kanina.

