RYLAN POV "Ry ko Good morning!!!" si Dylan habang nag-iinat pa. "Good morning din, sige maligo ka na at kakain ka pa," sabi ko naman habang inihahanda ang damit nya. "Ok po Ry ko," masayang sagot nya. "Nandito sa kama mo ang damit mo," sigaw ko kay Dylan na nasa loob na ng banyo. "Salamat Ry," huling narinig ko bago lumabas ng kwarto nya. "Ry gusto ko ng cucumber shake para sa baon ko pwede ?" si Dylan habang nakain ng agahan. "Oo naman," sagot ko naman. Tatayo na dapat ako para gumawa kaso pinigilan nya ako. "Mamaya na Ry pagkatapos mo ng kumain." "Sige, gusto mo ba ng milo graham para sa baon mo?" tanong ko naman sa kanya. "Sige!!! Ry ko salamat," saad ni Dylan habang kumikinang pa ang mga mata dahil sa saya. "Gusto mo ba ang mga niluluto kong ulam para sa baon mo dylan?" "

