TL 18

1296 Words

(Third Person POV) "Naguguluhan na ako masyado.” Ani ni Gregory sa apat nyang kaibigan. Isang linggo na ang nakakalipas mula nang umalis si Anicka sa San Ignatius. Miss na miss na nya ito pati ang anak nitong si Shawn. Dalawang araw na syang nandito sa Manila. Alam naman nya kung saan nakatira si Anicka, hindi naman ito nagtatago kaya madali lang nya itong nahanap. At kahapon nga, pinuntahan nya ito sa tinitirhan nito pero napatigil sya sa akmang paglabas nya sa kanyang kotse nang nakita nya si Franco na nakaakbay kay Anicka habang karga nito si Shawn. Sa kabila ng katotohanan na alam nyang hindi anak ni Franco si Shawn pero binalot parin ng paninibugho ang kanyang puso sa katotohanan na larawan ng masayang pamilya ang kanyang nakita. Nagtatanong ang mga mata ng kanyang mga kaibigan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD