(Anicka) “Mommy—“ patakbong lumapit sa akin ang aking anak na si Shawn. Dinala ni Gregory si Shawn sa isang beach resort na sa pagkaalala ko, ito din ang pinagdalhan ni Gregory sa akin noon. Kailanman, hindi ko makakalimutan ang lugar na ito dahil dito kami bumuo ng unang alaala ni Gregory na hindi sakop sa obligasyon namin sa hacienda. Agad kong niyakap ang aking anak nang tuluyan syang nakalapit sa akin. “I miss you baby!” “I miss you too, mommy! And I’m not mad at you anymore." “Thank you.” Kinarga ko ang aking anak. “How's your stay here? It seem that you enjoyed a lot.” “Yes! But I am happier now ‘cause you are here.” Hinalikan ko ang noo ng aking anak. "I am too baby. 'Cause I am here with you." "With daddy too?" tanong ni Shawn na nagpaurong sa akin. Lihim akong napasulya

