KABANATA 19 — ANG UNANG LIHIM NA PAGKIKITA

683 Words

Ang ulan ay bumubuhos nang malakas sa parking lot ng Navarro Holdings. Alas-otso pa lang ng gabi pero parang alas-dose na sa dilim. Si Jessica, basang-basa na kahit may payong, ay nagmamadaling lumakad papunta sa kanyang boarding house. Hawak-hawak niya ang maliit na plastic ng ulam na binili niya sa karinderya — kanin at adobong manok lang, pero masaya na siya roon. Biglang may humintong itim na SUV sa harap niya. Familiar. Pamilyar na pamilyar. Bumaba ang bintana sa driver’s side. At doon niya nakita… si Jayden. Basang-basa rin ang buhok nito, suot lang ang simpleng puting polo na basa na rin sa ulan. Walang bodyguard. Walang driver. Mag-isa lang siya. “Jessica,” tawag niya. Boses pa rin ‘yon — malalim, paos, puno ng lungkot at pagmamahal na matagal niyang hinintay marinig ulit. N

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD