Pagkatapos ng boardroom m******e, tahimik na tahimik ang buong 38th floor. Parang may lindol na nangyari, tapos biglang peace and quiet. Si Jessica, nakaupo pa rin sa head seat, hawak ang ballpen na dati ginagamit ni Chloe. Sa harap niya: si Jayden na nakangiti nang palihim, si Rafael na nakatayo sa gilid na parang proud ate, at si Veronica na mukhang hinimatay na pero gising pa rin. Biglang pumasok ang secretary ni Chloe — dating secretary niya ngayon. “Ma’am Jessica… may press conference po sa lobby. Ready na raw po sila.” Jessica took a deep breath. “Sige. Sabihin mo, five minutes.” Tumayo siya. Tumingin kay Jayden. “Samahan mo ako?” Jayden smirked. “Syempre. Hindi na kita pakakawalan ulit.” Lobby. Halos 50 reporters. Camera flashes. Mics sa harap. Unang tanong agad: “Ms

