6:00 ng umaga. Sa kubo. Amber,nakaupo sa hapag, nagkukuwento kay Jessica at Jayden habang umiinom ng kapeng barako. “Sa Macau siya nakatago.May penthouse sa The Venetian. Doon niya itinatago lahat ng pekeng dokumento at mga litrato.” “Anong klaseng litrato?”tanong ni Jessica, mahigpit ang hawak sa tasa. “Mga litrato mo noon.Nung katulong ka pa. Mga kasama mo raw sa kwarto ni Chloe—mga lalaking negosyante. At may pirma ka raw sa mga withdrawal slips mula sa kompanya.” Sumabog si Jayden.“Peke lahat ‘yon!” “Oo.Pero pagkalat niya ‘yan, kahit peke, sisiraan ka sa buong Pilipinas. Lalo na ngayon… kilala ka na.” Plano nila: 1. Pupunta si Amber sa Macau bilang “supervisor” ng cleaning staff. 2. Kukunin ang files mula sa laptop ni Chloe. 3. May kakampi silang Pinoy chef na si Marco na mag

