UNANG BAHAGI: ANG MABANGO AT MAPANGLAIT NA UMAGA Banayad na umaga sa Veracruz mansion nang biglang magkasalubong sa hallway sina Jessica at Jayden. Si Jessica ay may dala-dalang mga sariwang tuwalya habang si Jayden nama'y naglalakad na kasama si Chloe, magkahawak-kamay. "Sandali," biglang sabi ni Jayden, hapit na hapit ang pagkakayakap kay Chloe. "Jessica, mukhang marumi parin ang mga tuwalyang 'yan. Ibigay mo Kay Liza para labhan niya ulit yan, hindi uubra dito ang mga style niyo sa ilog kung maglaba, nakadiri." Napatigil si Jessica, ang puso'y biglang nanlamig. "Bagong laba po ito, Sir Jayden." Tumawa si Jayden nang may panguuyam. "Ah, talaga? E bakit amoy probinsya pa rin?" Lumingon ito kay Chloe. "Mahal, dito mo makikita ang halimbawa ng hindi magandang kinabukasan kung hindi tayo

