"YOU CAN'T do this to us." Hapong-hapo akong naupo habang nakahawak sa batok ko. Kausap ko si Bleu sa kabilang linya habang si Rylle ay nakatayo sa harap ko. He's worriedly looking at me. Madaling araw na pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako iniiwanan. Sinabi ko sakanyang sa shop nalang ako bababa pero hindi siya umaalis. Hindi ko alam kung saan pupunta. I couldn't go at the studio, mas lalong hindi sa unit ni Priston. My shop is the most safest place for me to go.. right now. "You can just.. replace me." I countered. Narinig ko itong nagmura sa kabilang linya. "Anong nangyari?" "Wala, Bleu. Sinasabi ko lang dahil ayokong umalis nang—" "Bakit ka nga aalis?" Nanginig ang boses nito. "Nafafrustrate na 'ko! Iniwan mo na kami kanina, tapos tatawag ka ng ganitong oras na sasabih

