Lauren's POV Nasaan nga ba ako? Paano ako napunta sa ganitong sitwasyon? All I know, pagbukas ng mata ko, puro kadiliman lang ang nakikita ko. Kahit ipikit ko pa o imulat ang mata ay walang pagkakaiba. I feel so weightless. Parang ang gaan ko. Parang lumilipad lang ako, and at the same time is hopeless. Madilim, malamig ang paligid. Natatakot ako, paano kung may nilalang na papasugod sa akin? Paano ko makikita? Paano ako makalalaban kung paralisado ang katawan ko? Pilit kong iginalaw ang katawan ko pero di ko alam kung nagawa ko na ba. I feel so numb. Bakit ganito? I feel so helpless and worthless. Para akong bulag, pilay at pipi. Wala akong lakas para magsalita. At ang katahimikan ay nakabibingi. Ipinikit ko ang mata saka taimtim na nagdasal. Na sana, ligtas ako. Manatili akong ligta

