Lauren's POV "Hey, dahan-dahan sa pagkain," natatawa niyang saad. Puno ang bibig ko at may hawak pa akong thigh ng manok. I stopped saka sinamaan siya ng tingin. "Mashama ba? Chinichipid mo ba ako?" inis kong tanong He let out a sexy chuckle saka natatawang tumingin sa'kin. "Nah, it's not like that. I'm just worried that you might be choked. Marami tayong pagkain, bakit kita titipirin? Hmm?" malambing niyang saad. I chewed my food and swallowed it. Inabutan niya ako ng isang basong tubig na agad ko namang tinanggap. "Sinusulit ko lang kasi," saad ko matapos kumain. His forehead knotted saka tumingin sa'kin. "Why?" takhang tanong niya. "Eh, sabi sa nababasa ko, hindi na kumakain ang mga bampira. You'll turn me into vampire tomorrow, right? Kaya sinusulit ko na," sagot ko sa kan'ya

