Lauren's POV Nagising ako sa 'di pamilyar na kwarto. Sandali akong natulala at sunod-sunod na pumasok sa utak ko ang alaala kagabi. Lahat ng nangyari. I heaved a sigh. Hindi pa rin ako makapaniwala. Clark is a vampire. He hurt me. Austin Cali is also a vampire. He helped me and... namula ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kagabi. Bakit ramdam ko pa rin ang labi niya sa balat ko? Damn, ano'ng nangyayari sa utak ko! Kasalanan 'to ni Austin Cali! Hell, oo nga pala! He's a vampire. Pinagaling pa nga niya ang mga sugat ko. It means meron, siyang kapangyarihan. Baka naman may kinalaman siya sa nararamdaman ko? Tama! Hmm, aawayin ko siya. Hindi sapat na tinulungan niya ako para paglaruan ang nararamdaman ko! Tumayo ako saka pumunta sa closet. Ang dami masyadong damit and all of it seems

