Lauren's POV Tanging apoy lamang na nanggagaling sa labas ng kulungan ang nagbibigay sa amin ng liwanag. Kitang-kita ko ang galit at labis na poot sa kan'yang mata. Nakita ko ang mabilis na pagkilos ng kamay niya at sa isang iglap ay may hawak na siyang latigo. Napalunok ako nang pumasok sa isip ko ang mangyayari. I'm here, jailed inside a dark room. Mabaho ang paligid at nasa harap ko ang galit na galit na si Lailyn. And I know what will happen next. At hindi ako nagkamali, lumipas ang ilang segundo ay umigkas sa balat ko ang latigo. Napasigaw ako sa sakit at hapding dala nito. Ramdam na ramdam ko pa iyon dahil naka-uniform parin ako. Hanggang itaas ng tuhod ang haba ng skirt, kaya direkta ang tama ng latigo sa'king balat. Ilang beses niya iyong inulit. At sobra-sobrang sakit ang nara

