Lauren's POV Mabilis ang naging kilos ni Sasha. Agad niyang sinugod si Yuri na nasa likod ko. Napaluha ako sa sakit ng sugat at sakit ng puso dahil sa katotohanang traydor si Yuri. Pilit kong inabot ang likod ko. Napangiwi ako at binigla ang pagbunot sa kutsilyo na nakabaon sa aking likod. Nalukot ang mukha ko sa sakit na dulot nito. Nilapag ko ang kutsilyo sa lupa at tinitigan ito na nababalutan ng aking dugo. Mula sa aking wrist hanggang siko ang haba nito. At halos kalahati nito ang bumaon sa aking likod. I gasped for air. Mabuti na lamang at hindi sa may bandang tiyan ang tama nito. Dahan-dahan akong gumapang papunta sa puno at sumandal nang patagilid doon. Nakita ko kung paano maglaban si Sasha at si Yuri. They look so eager to kill each other. Hindi ko inakala na ang traydor ay s

