Maraming mga kakaibang report na natatanggap ang Kahel Police Department mula pa noong nakaraang buwan.
Kakaiba dahil hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung ano ang pinag-uugatan ng mga hindi pangkaraniwang pangyayari na nagpapatindig ng balahibo ng ilang residenteng nakaranas at nakakita nito. Isa na roon ang napapadalas na mga nangyayaring krimen at pananakot na kinasasangkutan ng mga nakamaskarang pigura. Mga maskarang nakakatakot tulad ng Clownface, Ghostface at kung anu-ano pang mga infamous villain na sumikat sa mga horror movie.
Karamihan sa mga nai-report ay mga kaso ng pananakot na kahit walang nasaktan ay pasok pa rin sa kategorya ng terorismo dahil bukod sa maaaring magdulot ng aksidente sa daan ay maaari ring ikamatay ng taong may sakit sa puso.
Unang nai-report ang insidente noong ikalawa ng Pebrero sa Campbell Town nang sabihin ng isang walong taong gulang na batang lalake sa kanyang ina na may dalawang lalake na nakasuot ng clown suit at clown mask na lumapit sa kanya at sinubukan siyang dalhin sa kakahuyan.
Noong ika-tatlo ng Pebrero ng hating-gabi, isang taong hindi batid ang kasarian na nakasuot ng creepy clown attire ang napansin ng dalawang residente ng Tarker's Mill na pinipilit buksan ang gate ng sementeryo roon. Agad nila itong kinuhanan ng video at nang makita ng clown ang dalawa at natuklasan ang kanilang ginagawa ay kumaway ito sa kanila at humalakhak sabay takbo patungo sa madilim at masukal na kagubatan sa tabi ng sementeryo. Walang nangyaring pag-aresto sa kabila ng masinsinang imbestigasyon ng mga pulis.
Ika-lima ng Pebrero, sa Rosehill Lane, ika-walo ng gabi, dalawang batang babae ang bumili ng sorbetes sa isang sikat na ice cream parlor. Nang pauwi na ang mga ito ay biglang may sumulpot na isang lalake na nakasuot ng nakakatakot na pig mask at hinablot ang dalang cellphone ng isa sa mga bata sabay takbo palayo.
Sa araw ding 'yon ay isang matandang babae na nakasakay sa kotse nito ang napadaan sa isang madilim na kalsada sa Carl's Ville. Bigla nitong itinigil ang sasakyan nang may makita itong tao na nakatalikod at nakaharang sa daraanan niya. Nang humarap ang taong ito ay natuklasan ng matandang babae na may suot itong maskara na kagaya ng kay Leatherface ng Texas Chainsaw m******e. Halos atakihin ang matanda sa puso nang paganahin nito ang hawak na chainsaw at nagsimulang tumakbo patungo sa kaniya. Napasigaw ang matanda sa sobrang takot at agad na pinaharurot ang sasakyan pasalubong dito. Nakaiwas si Leatherface at humahalakhak na iwinasiwas na ang hawak na chainsaw habang tinatanaw ang papalayong sasakyan.
Ika-pito ng Pebrero, isang babaeng teenager ang bigla na lang hinabol ng baseball bat ng isang lalakeng naka-costume ng katulad ni Ghostface. Tumawag ng pulis ang teenager subalit hindi na nila nahabol ang salarin.
Ika-siyam ng Pebrero, isang matandang lalaki na galing sa isang basketball match ang nakasakay sa kotse nito at tinatahak ang isang ilang na kalsada patungong Chester's Mill nang biglang bumungad sa daraanan niya ang isang payaso na may hawak na palakol. Muntik na niya itong mabundol kung hindi lang niya nakabig agad ang manibela. It was later revealed na isang 13-year-old na batang lalaki ang payaso at galing lang sa isang costume party.
Ika-labing isa ng Pebrero, alas dos ng madaling araw, sa Gulliver's Lane, isang lalaki ang nag-report sa pulisya hingil sa isang payaso na nakita nitong palakad-lakad sa dis oras ng gabi habang may hawak na baril at kutsilyo.
Ika-labing apat ng Pebrero, dalawang batang babae, edad labindalawa at labintatlo na galing sa Purvil High ang hinabol ng limang lalaking nakasuot ng mga nakakatakot na maskara. Naaresto ang mga ito at natuklasang mga estudyante rin sa nasabing paaralan ang mga ito at nasa mga edad katorse at kinse anyos.
Ika-labing anim ng Pebrero, ganap na alas singko ng hapon, sa Brainstorm Lane, isang matangkad na lalaking may suot na hockey mask at may hawak na machete ang biglang nag-amok sa mga naglalakad. Bago pa makarating ang mga pulis ay nakatakbo na ito palayo papasok sa masukal na kakahuyan.
Ika-labingpito ng Pebrero, isang trenta anyos na lalaki ang inatake ng isang matabang payaso gamit ang isang balisong at nakipagbuno rito hanggang sa tumakas ang payaso nang matagumpay niyang makuha ang balisong mula rito. May suot na berdeng wig at makulay na clown attire ang payaso at nakasuot ng Gothic shoes. Kinalaunan ay lumabas na hoax lang ang nasabing insidente at kaya nagkasugat sa kamay ang lalaki ay dahil aksidente itong nahulog sa sahig na puno ng mga basag na bote ng alak. The man just fabricated the clown attack. He was prosecuted for wasting the time of Kahel Police Department.
Ika-labing siyam, sa Penebscott ville, isang lalake na nakasuot ng Vampire suit ang inakusahang sinusubukang dukutin ang isang one-year-old na sanggol mula sa ina nito habang nasa park. Wala pang pag-arestong nagaganap hinggil dito.
Ika-21, isang trese anyos na lalaki ang inaresto nang mag-post ito sa f*******: ng isang clown-related threat sa mismong pinapasukang paaralan.
Ika-22, isang lalaki na nakasuot ng Darth Vader costume ang inaresto nang habulin nito ng metal baseball bat ang kapitbahay na batang babae. Hapon din ng nasabing araw, ilang mga payaso ang nakitang nagtatago sa mga halamanan at ginugulat at tinatakot ang mga batang estudyante na naglalakad galing sa kalapit na paaralan. Ang iba ay hinahabol pa ng mga ito habang may hawak na mga matatalas na sandata gaya ng ice pick at kutsilyo. Bago makarating ang mga pulis ay nakatakas at nakatakbo na ang mga payaso papasok sa kalapit na kakahuyan.
Ika-23, isang gas station ang hinoldap ng tatlong hindi pa nakikilalang mga lalaki na may suot na mga maskara: ang isa ay naka-Guy Fawkes mask, ang isa ay naka-Michael Myers mask, at ang isa ay naka-Pinhead mask.
Medyo nababahala na ang karamihan sa paglipana ng terorismo at krimen sa isla na may kinalaman ang mga nakamaskarang pigura. Tila may "masks craze" na nagaganap.
Last week ay nagbigay na ng notice ang pamunuan ng pulisya sa pangunguna mismo ni Mayor Max Sullivan na ang sinumang makikita na nakamaskara at nagte-trespass o maging sa labas man ng compound ng mga paaralan o sa kahit saan pa mang private property ay agad na aarestuhin. At ang sinumang makitang may suot ng maskara sa dis oras ng gabi o sa kahit saang pampublikong lugar na wala namang ginaganap na costume party ay agad ding aarestuhin. Sa totoo lang, para din iyon sa kaligtasan ng mga indibidwal na nagbabalak magsuot ng maskara lalo na ng clown mask dahil maaaring malagay sa alanganin ang buhay ng mga ito kapag nakaenkwentro ng mga takot na residente na maaaring subukang protektahan ang kanilang mga sarili.
Last Thursday, sa Hollow Lane, isang seven-year-old na batang babae ang nilapitan ng isang taong nakasuot ng space suit sa labas ng bahay nito mga alas sais ng gabi. May dala itong balisong. Agad nitong hinawakan ang braso ng bata at dinampi ang hawak na balisong sa braso nito. Mabilis na tumalilis ng takbo ang space man at iniwan ang umiiyak na bata na nagtamo lamang ng bahagyang hiwa.
Sa araw na ito, marami pang pananakot at krimen na magaganap na kasasangkutan ng mga nakamaskarang tao.
Ang mundong ay puno ng sikreto at dilim kung saan naghahari at naglalagi ang mga masasamang elemento.
At parte ng nasabing mundo ang Isla Kahel.