Rizza's Pov DALI-DALI kong tinungo ang tinuro sa 'kin ng lalaki kanina na napag tanungan ni sir Deimos. Lalabas na talaga ang sama sa loob ko at hindi ko na talaga mapigilan yun. Nang makarating ako sa comfort room ay agad akong pumasok. Pinagpawisan pa talaga ako dahil tinakbo ko para makarating ako. Nakakahiya talaga ang ginawa kong pagtakbo. Baka nakita ako ni sir Deimos na tumatakbo na parang timang. Umupo ako agad sa toilet bowl at nilalabas ang lahat ng pwede kong ilabas. Napapala kasi ng katakawan ko kaya nandito ako ngayon. Nagmamadali pa talaga ako dahil ayaw kong maghintay si sir Deimos ng matagal do'n sa kubo. Nakakahiya naman kung pahintayin ko siya ng matagal. Napatigil pa ako dahil may narinig pa ako na pumasok sa comfort room. May tatlong cubicle kasi dito kaya baka

