Rizza's Pov MAGKATITIGAN kaming dalawa ni sir Deimos at patuloy lang ang paglalakad niya paakyat. Yumuko nalang ako habang mahigpit na hawak ang ginagawa ko sa damit ko. Tumigil lang siya sa harapan ko kaya tumitig ako sa kanya. "Ihahatid ko lang po ang damit ko sa maid's room, sir Deimos. A-Ano pong gusto niyong almusal ni ma'am Madelyn?" Tanong ko sa kanya kahit pa nga ang puso ko ay pinipiga sa lungkot. Hindi siya nagsalita at agad niyang hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya at hinila niya habang naglalakad siya papunta sa harap ng pinto ng kwarto niya. "T-Teka.. sir Deimos.. ano pong gagawin ko dito sa kwarto mo?" Takang tanong ko dahil binuksan niya ang pintuan ng kwarto niya at pumasok kaming dalawa. Isinara ni sir Deimos ang pinto ng kwarto at humarap sa 'ki

