Chapter 6

1551 Words
Rizza's Pov ISANG araw na akong nakatira dito sa bahay ni Nikolai. Naalala ko ang katangahan ko kagabi dahil bigla nalang akong lumabas ng bahay niya at humiga ulit do'n sa sasakyan kung saan ako sumakay nong tumakas ako. Wala naman kasi siyang sinabi kung saan ako matutulog. Nahihiya kasi ako dahil sinaway niya ako dahil hindi naman daw niya sinabi na lumabas ako. Pakiramdam ko ay pinapagalitan talaga niya ako sa katangahan ko. May binigay siyang silid na pwede mo daw gamitin. Nong una ay ayaw ko pa sanang pumayag dahil kahit sa sala nalang ako matuloy ay ayos lang. Ngunit ayaw daw niya na pakalat- kalat ako. Umaga na ngayon pero nandito ako sa harap ng sala at nakatunganga. Nakaupo lang ako sahig habang hinihintay lang si Nikolai na sumulpot dito. Nasa taas din kasi ang kwarto niya at hindi pa siya bumababa. Nagugutom na ako pero ayaw ko naman mangialam sa kusina niya at baka mapagalitan niya ako. Ilang sandali lang ay narinig kong bumukas ang malaking pintuan kay agad akong napatayo dahil nakita ko ang pumasok na isang matandang lalaki. Nagulat pa yata siya sa 'kin ng makita niya ako. Nakatitig siya sa 'kin saka yumukod sa harap ko kaya yumukod din ako. "May kasama pala si sir Deimos na magandang dalaga." Sabi ng matandang lalaki. Hindi ako nakasagot at tinignan lang din ang matanda. Nahihiya kasi ako dahil alam ko ang sinasabi niya. Yun kasi ang palagi kong naririnig kay manang. "Si sir Deimos, hija? nandiyan ba?" Tanong ng matanda sa 'kin. "Hindi ko pa po siya nakikita." Sagot ko naman dahil hindi ko pa naman talaga siya nakikita. Sasagot na sana ang matanda ngunit hindi niya natuloy dahil pareho kaming napalingon ng marinig namin ang yapak na nanggaling mula sa taas ng hagdan. Nakita ko si Nikolai at napangiti ako dahil ang gwapo talaga niya. Para siyang anghel na napapanood ko sa tv na bumababa ng hagdan. Yung napanood ko kasi sa telebisyon ay lalaking gwapo din na may pakpak na puti. Bagay yun kay Nikolai kapag naging anghel siya. Mas lalo siyang gwapo kapag nakasuot siya ng puti. "Magandang umaga po, sir Deimos." Bati naman ng matandang lalaki sakanya. Tumango lang si Nikolai at pinagpatuloy ang pagbaba ng hagdan. Nang makababa siya ay naglakad siya papunta sa pwesto namin ng matanda. Titig na titig siya sa 'kin na hindi ko na naman alam kung bakit. Yumukod ako dahil nahihiya ako sakanya. Ang gwapo kasi niya tignan, habang ako hindi naman kaaya-aya tignan. "Maglilinis na po ba ako ng bahay mo, sir Deimos?" Tanong ng matandang lalaki kay Nikolai. "Wag na po muna, manong. Linisan mo nalang muna ang labas ng bahay ko." Saad ni Nikolai sa matanda. "Sige po, sir Deimos. Lilinisin ko at tataniman ko na din po ang likod ng bahay mo." Sagot ng matanda saka umalis sa harap namin. Naglakad ang matanda papunta sa pinto at tuluyang binuksan yun at lumabas. Naiwan kami ni Nikolai at natahimik. Hindi ko alam kung babatiin ko ba siyang magandang umaga dahil baka hindi siya sumagot. Yung kilay na naman kasi niya magkasalubong na naman na hindi ko alam kung bakit. Pero nakikirita lang naman ako sa bahay niya kaya kailangan ko siyang batiin kahit alam ko naman na hindi siya sasagot. "Magandang umaga po," magalang kong sabi saka yumukod sa harap niya. Tulad ng hula ko ay hindi talaga siya sumagot. "Magaling na ang sugat mo?" Tanong niya sa 'kin kaya agad akong tumingin sa mga braso ko na ginamot niya kanina. "Opo. Salamat po ulit sa paggamot sa sugat ko." Pagpapasalamat ko sakanya. Tumango naman siya at tumitig sa sahig. Tinignan ko naman kung anong tinititigan niya ngunit wala naman akong makita kundi ang makintab na sahig. "Hindi ako tumatanggap ng pasasalamat para alam mo. Pati ang pagpapatuloy ko sa'yo dito ay hindi libre." Sabi niya kaya natigilan ako dahil akala ko bukal sa loob niya ako patuluyin. Si manang kasi ay hindi libre ang pagtra-trabaho nya sa bahay ni papa. Kaya alam ko ang ibig sabihin no'n. Narinig ko na kasi nong kinakusap ni papa si manang. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka nagkamot sa likod ng ulo ko. "W-Wala po akong pera, Nikolai. Pasensya na kung wala akong maibibigay." Nahihiya kong sabi. Hindi naman siya sumagot kaya tumitig ako sakanya. "Kung ganun.. bayaran mo ko sa serbisyo mo," sabi niya kaya kumunot ang noo ko. "Serbisyo po? ano pong ibig sabihin po no'n?" Tanong ko habang nakakunot ang noo. "Serbisyo. Ibig sabihin ay mag tra-trabaho ka sa bahay ko habang libre ang pananatili mo dito. Siguro naman marunong ka sa gawaing bahay." Saad niya kaya napatango ako. Yun pala ibig sabihin niya. "Yun po ba yung parehang ginagawa ni manang sa bahay ni papa ko? yun po ba yun, Nikolai?" Tanong ko para masiguro ko kung tama ba talaga ang hula ko. Ngunit si Nikolai ay kumunot lang ang noo at hindi alam kung tatango ba siya o hindi. "Parang ganun. Maglilinis ka ng bahay, maglalaba mg damit ko, magluluto ng pagkain at kung anong iutos ko ay susundin mo." Sabi niya sa 'kin kaya tumango- tango ako. "Sige po. Kaya ko po yun." Sagot ko habang nakangiti. Marunong naman ako maglinis, ngunit hindi ako marunong magluto ng pagkain. Hindi din ako marunong paandarin yung apoy na nanggagaling sa parihaba na palaging ginagamit ni manang. Pinapanood ko kasi siya kapag nagluluto pero dahil bawal niya akong turuan kaya nakaupo lang ako habang nakikinig sa mga sinasabi ni manang. "Good. Pwede ka ng mag umpisa ngayong araw. May ipagbabawal lang ako sayo na kailangan mong tandaan at wag mong sasawayin dahil kapag lumabag ka ay parurusahan kita at palalayasin sa bahay ko." Sabi niya habang seryosong nakatitig sa 'kin. Napatango-tango naman ako kahit pa nga kinakabahan. "A-Ano po yun?" Tanong ko habang nauutal. "Bawal na bawal kang pumasok sa silid ko. Ayaw kong may nangingialam at may pumapasok sa kwarto ko kaya yan ang tandaan mo para hindi kita palayasin dito o di kaya ay ibalik kita kung saan ka nanggaling." Sabi niya kaya natakot ako. "N-Naintindihan ko, Nikolai. Hindi ako papasok sa kwarto mo kung yun ang iyong gusto." Sagot ko habang natatakot sakanya. "Sir Deimos ang itawag mo sa 'kin. Hindi Nikolai dahil hindi naman tayo magkakilala ng lubusan. Sabi pa niya kaya tumango- tango ako. Wala akong ginawa kundi ang tumango lang. Ayaw kong magkamali sakanya dahil natatakot ako na baka palayasin niya ako dito sa bahay niya. Ayaw ko ng bumalik sa bahay ng ama ko dahil baka saktan lang ako ulit. Baka kapag bumalik ako do'n ay mapatay na niya ako ng tuluyan dahil sa pagtakas ko. Kahit hindi ko alam ang gagawin ko at tanging paglilinis lang ang alam ko ay tinanggap ko ang alok niya. Si manang may pera na tinatanggap kay papa. Yung kulay ube ang nakikita ko at yellow ngunit ang alam ko lang do'n ay ang ube kasi sabi ni manang doublehin ko lang daw ang 50 ay magigin 100 na. Ang mahalaga lang sa 'kin ay may tutulugan ako. Kahit wala na akong matanggap na ube at yellow na pera ay ayos lang. Wag lang ako bumalik sa bahay ng ama ko. Ayaw ko ng maranasan ang pananakit niya sa 'kin. Natigilan lang ako ng marinig ko ulit ang pagbukas ng pintuan at nakita ko si mamong. May hawak siya na kahon na hindi ko alam kung anong laman. "Sir.. may parcel ka pong dumating." Sabi ni manong saka naglakad palapit kay sir Deimos. Inabot ni manong ang kahon na hawak niya kay sir Deimos. Nagpaalam naman ang matanda at muling lumabas ng bahay. Ako naman ay nakatingin sa hawak ni sir Deimos. Ayaw ko magtanong dahil alam ko hindi na naman siya sasagot. "Ito ang magiging uniporme mo sa pang araw-araw. Ayaw kong magsuot ka ng ibang damit." Sabi niya saka inabot sa 'kin ang kahon na hawak niya. Tumango naman ako at tinanggap yun. "Pwede ka na magbihis ng damit mo dahil ipapalinis ko sa'yo ang swimming pool." Sabi niya saka tinalikuran ako at nagsimula ng maglakad palayo sa 'kin. Ako naman ay tinitigan lang ang likod niya na malapad ng konti. Ibinalik ko ang tingin ko sa kahon at napabuga ng hangin. Iniisip ko kung ano ba ang swimming pool. Unang araw ko pa lang, mukhang mapapagalitan na ako agad. Sana hindi siya magalit sa 'kin mamaya kapag nalaman niya na hindi ko alam kung ano ang swimming pool. Malamang hindi ko din alam kung paano linisin yun. Natatakot na tuloy ako para sa buhay ko at baka saktan niya ako. Kinakabahan ako sa pagsisinungaling ko na kaya ko ang gawaing bahay. Pero ito na talaga 'to. Bahala na kung magalit man siya kapag nagkamali man ako. Siguro naman ay matutunan ko din ang mga dapat kong matutunan sa buhay. Umakyat ako sa hagdan hahang titig na titig sa hawak kong kahon. Muntik pa akong matisod dahil hindi ako nakatingin sa dinadaraanan ko. Hindi naman ako natumba at nahulog sa hagdan. Nang makarating ako sa silid ko ay agad kong binuksan ang pintuan para matignan ko kung anong laman ng kahon. Wala naman akong damit kaya mainam na din siguro 'to para may susuotin na akong damit sa pang araw-araw. Hindi ko na iisipin ang susuotin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD