Rizza's Pov LUMIPAS ang isang buwan simula ng mapadpad ako sa sasakyan ni sir Deimos. Isang buwan na din ako nag tra-trabaho bilang katulong niya kaya natutuwa ako dahil kahit papano ay may natututunan ako sa araw-araw. Marunong na ako magluto pero hanggang prito lang ako dahil mas mabilis gawin kaysa sa magluto ng ulam na may sabaw. Nalilito kasi ako kapag naglalagay na ako ng mga sangkap at hindi ko na alam kung anong isusunod. Marunong na din ako maglinis ng swimming pool. Hindi katulad dati na wala talaga akong alam kahit ano. Hanggang sa pagwawalis at pagpunas lang ang alam ko. Maswerte nga ako dahil hindi ako pinapalayas ni sir Deimos kahit alam ko na iinis na siya sa 'kin. Pinagtyagan talaga niya ako matuto ng mga bagay-bagay. May binigay din siya sa 'kin na maliit na parang ka

