Rizza's Pov NAGTATAMPO ako kay Deimos dahil nangako siya sa 'kin kahapon na pupuntahan niya ako sa bahay. Ngunit dumating nalang ang alas 12 at nakatulog nalang si Lisa pero hindi siya dumating. Hindi ko alam kung busy ba siya o ano. Wala din siyang text sa 'kin kaya nagtataka ako. Iniisip ko nalang na baka ayaw siyang paalisin ng mommy niya kaya ganun. Natulog tuloy ako nang gabing yun na masama ang loob kay Deimos. Ngayong umaga ay nag message naman siya sa 'kin. Gumanti ako, hindi ko siya nireplayan dahil nakakainis talaga siya. Kahit isang message lang naman sana ang kailangan ko para malaman ko lang naman kung nasa'n siya o kung ano ang ginagawa niya. Nandito parin si Lisa, mamaya kasi siya uuwi sa kanila. Nasa kwarto lang kami habang ang kaibigan ko ay kagigising lang. Ayos

