Rizza's Pov HINDI na naman ako pinapansin ni sir Deimos kaya medyo nalungkot ako. Nagalit yata siya dahil sa pakikipag usap ko kay sir Sid nong una. Napabuga nalang ako ng hangin dahil isang araw na niya akong hindi pinapansin. Hindi ko alam ang gagawin ko para pansinin niya ako at magbati na kami. Ang lungkot kasi ng bahay kapag tahimik siya. Pakiramdam ko ay parang bumalik sa dati ang pakikitungo niya sa 'kin. Hindi ko na tuloy magawa ng maayos ang trabaho ko. Kanina nga ay muntik na akong madulas sa swimming pool dahil sa lutang ang isip ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag hindi ako pinapansin ng gusto kong tao. Kahapon ay hindi na ako nakapag trabaho ng maayos dahil na din sa napagod ako sa ginawa namin ni sir Deimos. Nawalan na din ako ng gana kaya mas pinili ko nalang din a

