Rizza's Pov NASA LOOB na ako ng school at talagang kinakabahan ako. Hindi talaga ako mapakali lalo na't ito na talaga, mag-aaral na talaga ako. Hindi ko alam ang pasikot-sikot dito sa school kaya nagtanong ako sa isang estudyante. Mabuti na nga lang at mabait ang napagtanungan ko at tinuro niya sa 'kin kung saan ang classroom ko. Tinungo ko agad yun kaya ang t***k ng puso ko ay sobrang lakas. Para na akong maiihi habang ang dalawang palad ko ay pawis na pawis. Nang makarating ako sa harap ng classroom ay nagdadalawang isip pa ako na pumasok sa loob. Sabi ko pa sa sarili ko ay magiging matapang na ako at hindi na ako papayag na may umaway pa sa 'kin. Pero ngayon naman na lumingon ang mga classmate ko ay nahihiya na ako. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko hanggang sa makahanap a

