Rizza's Pov NAKATITIG lang ako sa magandang babae at hindi ko alam kung babalik ba ako sa loob ng banyo na pinasukan ko at isasara ko sana ang pinto. Kung bakit naman kasi siya pa ang nakita ko ngayong araw. Tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa na para bang mukha akong joke sa kanya. "Ikaw ba ang bagong girlfriend ni Deimos?" Tanong niya sa 'kin at halata sa boses niya na tinatarayan niya ako. Mukha pa lang niya para ng kakainin ako. "Po? Girlfriend? hindi po.." sagot ko dahil yun naman talaga ang totoo. Hindi naman ako sinungaling na tao dahil sabi ni manang bad daw ang mag sinungaling. Tumawa naman ng mahina ang babae at hindi ko alam kung bakit siya natatawa. "Ano pong nakakatawa, ma'am?" Tanong ko sa babae. Hindi siya sumagot agad hanggang sa tumigil siya sa pagtawa. "Na

