Rizza's Pov SIMULA NG may nangyari samin ni sir Deimos ay naging mabait na siya sa 'kin. Hindi na din siya masungit sa hindi ko malaman na dahilan. Kung dati ay trabaho ako ng trabaho sa bahay niya, ngayon ay pinapagalitan niya ako kapag panay ang galaw ko sa loob ng bahay niya. Dalawang linggo simula no'n pero panay na ang sabi niya na wag daw ako kumilos at wag ako mag buhat ng mabibigat. Kahit paglilinis ng swimming pool ay hindi na niya ako pinapayagan dahil siya na daw ang bahala do'n. Nandito ako ngayon sa sala at nakaupo ako sa sahig. Kasama ko si sir Deimos na nakaupo din sa sahig habang nakaharap kami sa babasagin na mesa. Tahimik lang ako habang nakatitig sa pinapasagutan ni sir Deimos. Simula din kasi ng may nangyari samin ay tinuturuan niya ako ng kung ano-ano. Natutuw

