Rizza's Pov KUMAIN na muna si sir Deimos dahil sayang naman daw ang dinala kong pagkain. Akala ko nga ay kumain na siya pero hindi pa pala dahil hindi pa naman daw siya gutom. "Bakit ang galing mong umakyat sa pader, sir Deimos?" Tanong ko sa kanya dahil wala talagang kahirap- hirap siya na umakyat sa hagdan. Nakakabilib talaga si sir Deimos. "Pareho kami ng kuya mo.. magaling umakyat ng pader, Rizza." Sabi niya sa 'kin kaya kumunot ang noo ko. "Kayo ni kuya? Ibig sabihin.. magaling din siya umakyat ng pader?" Tanong ko kay sir Deimos. Naku, baka inakyat na din ni kuya si ate Macy ngayong gabi. "Nag training kami, baby. Matalik kong kaibigan ang kuya mo pero bigla nalang siyang nagalit sa 'kin na hindi ko alam kung anong rason niya hanggang sa magkasagutan kaming dalawa sa baske

