Rizza's Pov SIMULA ng makauwi kami ni sir Deimos ay hindi na siya nagsasalita. Sa takot ko nga na baka magalit siya sa 'kin ay hindi na din ako nagsalita pa dahil baka masigawan niya ako. Nakikita ko kasi sa mukha niya ang galit kaya mas pinili ko na lang ang manahimik. Gusto ko sanang siyang tanungin kung sino ang babaeng yun pero hindi ko na sinubukan pa. Nandito ako sa kusina at nagpupunas ako ng mga plato. Hindi ko maiwasang mag- alala kay sir Deimos na kanina pa hindi lumalabas ng silid niya. Gusto ko sana siyang puntahan do'n pero naalala ko na pinagbabawal niyang pumasok ako sa loob ng kwarto niya. Napabuga na lang ako ng hangin habang pinagpatuloy na ulit ang pagpupunas ng plato. Nakabihis na ulit ako ng damit na pang katulong. Nang makarating kasi kami kanina ni sir Deimos

