Rizza's Pov MATAPOS mangyari ang ginawa ng maid ni kuya sa 'kin ay tuluyan na siyang nakulong. Hindi ko alam kung ano na naman ang gagawin ni Madelyn para makakuha na naman nag tao na malapit sa 'kin para masaktan ako. Nasa school ako ngayon kasama si Deimos. Estudyante na naman kasi ang porma niya. Ang gwapo talaga niya tignan habang naka suot siya ng uniporme ng high school. Kung kay kuya mukha siyang tanga, pero para sa 'kin ay ang gwapo niya. Si kuya Kevin ay nasa labas ng gate. Siya parin ang nagbabantay sa 'kin kaya si Lisa tuwang-tuwa dahil mahaharot daw niya si kuya Kevin. Natatawa tuloy ako, dahil makita lang ni kuya Kevin si Lisa ay para na niyang titirisin. Maging si Deimos ay natatawa nalang dahil halata daw kay kuya Kevin na naiinis kay Lisa. Napapa isip tuloy ako kun

