“Hi there Mr. Pervert.” nakangiting pagbati at bungad ni Yesha pagkapasok at pagkapasok ko sa unit. Ganito siya palagi at aaminin ko ito ang dahilan kung bakit excited ako palagi umuwi. Dati hindi ko naiintindihan kung bakit subalit ngayon ay alam ko na. Hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita lalo na ang mga ngiti nito na talagang nakakapawi ng pagod. “Tsk. Nagdinner kana?” kunware ay iritado kong tanong pero ang totoo ay napapangiti ako subalit pinipigilan ko iyon. “Hindi pa ksksks.” nakangiti at pabebeng tugon nito. “What do you want for dinner huh?” Tanong ko pa dito sabay nagtungo sa kusina upang ihanda ang mga lulutoin. “As usual hehe.” muling pabebeng tugon nito. “Tsk. Huwag ka ngang magpabebe diyan mukha kang gurang na hindi nasisikatan ng araw.” pang-asar ko

