Noong makatulog si luca ay dahan-dahan akong lumabas ng kwarto nito, kumuha ng malamig na beer sa ref at lumabas ng condo at dumiretso sa rooftop, eksaktong kabilugan ng buwan. na napaka-ganda, maganda ang gabi ang gandang pagmasdan ng buong paligid at tanging bulong lang ng hangin sa aking tenga ang mga naririnig ko. Nakaupo lang ako sa dako kung saan kami unang nagkausap ni Luca at napapangiti na lang ako sa tuwing naaalala ko iyon. Subalit sa gabing iyon ay malalim ang iniisip ko habang nakatulala sa buwan. “what if may gawing hindi maganda si Napoleon kay dad?what if malaman na ni Napoleon kung saan ang eksaktong location ko? ano na kaya ang mga susunod na mangyayari? At paano kung pati si Luca madamay?” Nagugulumihanan ako sa mga oras na iyon, hindi ko alam na darating pala sa punto

