“Ano kaya ginagawa ng tukmol na iyon ngayo?”Tanong ko sa aking sarili.
Bigla kong naalala si Yesha, Alas-sais na ng gabi at wala parin ang weirdo at hindi ko maiwasang mag-alala dahil ito ang kauna-unahang inabutan ito ng gabi at hindi pa nakakauwi ni hindi man lang ng text or tumawag.
“Ano ba ang silbi ng pag kuha niya ng number ko ni hindi man lang mag paparamdam?” Dugtong ko pa.
“Hayst ano ba iniisip mo Luca? Bahala nga siya sa buhay niya matanda na siya.”Inis na sambit ko sa aking sarili.
Alas-utso nga pala ng gabi ang usapan namin ni Hugo kaya naghanda muna ako ng haponan bago umalis baka gutom nanaman yoong tukmol na iyon ,pagkauwi niya. Malapit lang dito ang bar na pupuntahan ko kung saan kami magkikita ni Hugo kaya madali lang ako makakarating doon.
Neon Nights Club ang bar kung saan kami magkikita ni Hugo at eksaktong alas-utso na ako dumating. Pagkatingin mo sa bar ay parang bumalik ang lahat, ang kalokohan namin ni Hugo kapag naandito kami at umiinom na parang walang bukas.
“Bro. Buti pumunta ka.” Agad na bungad nito sa akin pagkapasok ko palang ng bar.
Makikipag up here sa ito gaya ng ginagawa namin simula pa noong mga bata kami kapag magkikita pero hindi ko ito pinansin at dumiretso na papasok at naupo sa table.
“Ahm miss excuse me one bucket of beer please.”Pag-utos ni Hugo sa waitress doon bago naupo sa harap ko.
“Smoke?”Pag alok nito sa akin.
“Sure.”Tipid kong saad at kumuha ng isang stick ng malboro red sabay sinindihan ito.
Pagkadating ng order ni Hugo ay agad kaming kumuha ng tig-isang beer at nagsimulang mag-inum.
“Bro about nangyar—”
“I know, kaya nga naandito tayo diba?”Malagkit kong saad at pinutol ang pagsasalita nito.
“Nothing happened between me and Kayle's that night.”Biglang saad nito.
“I was a misunderstanding Luca.” Dugtong pa nito.
“Oh?”Muling malagkit kong tugon.
“Listen okay? It was a complete misunderstanding. The night na nakita mo kami ni Kayle..”
Ikinwento mo Hugo lahat ng nangyare noong gabing iyon at napagtanto na it was Kayle who set Hugo up para masira kaming dalawa. Oo kahit ako ay hirap paniwalaan iyon pero kilala ko si Hugo mula pagkabata at alam ko rin kung may itinatago o nagsisinungaling ito sa akin. Napagtanto ko sa aking sarili na napakatanga ko hinayaan kong masira kami ng kaibigan ko dahil lang sa isang babae.
“I was dumb Hugo, you know that?”Naiiyak subalit napapangisi kong saad.
“We're dumb bro.”Sambit ni Hugo sabay tumawa ito dahilan upang matawa din ako.
Sa mga oras na iyon alam kong napatawad ko na si Hugo at sana magbalik na ang lahat sa dati. Pero kung totoosin ay ako ang mas may kasalanan sa aming dalawa nihindi ko man lang pinakinggan paliwanag niya at hinayaang masira ang pagkakaibigan naming dalawa. Masakit para sa akin iyong nangyare pero hindi ko na isip na mas masakit ang pinagtaboyan ko siya ng hindi pinapakinggan ang side niya.
“I miss you bro.”Biglang wika nito,
“I miss you too bro.”Tugon ko dito sabay muling nagtawanan na para bang walang nangyare.
“Nga pala bro congrats.” Saad nito subalit hindi ko alam kung para saan ito.
“Para saan bro?”Takang tanong ko.
“Sa Story mo na gagawing Movie.”Tugon nito na siya namang ipinagtaka ko noong marinig iyon dahil wala namang ibang nakakaalam tungkol sa bagay na iyon maliban sa dragon doon sa condo.
“H-how did you know?”Tanong kong muli na may halong pagtataka. Ngunit ngumiti lang ito at walang tugon.
Subalit bigla kong naalala ang na sanabi ni Mr. Yoo noong magkausap kami. “Tama ng siya.” Ito ang sambit ng Mr yoo noong nagmeeting kami subalit sa mahinang tuno.
“Posible kayang???”Gulat na saad ko sa aking isip noong mapagtanto ito.
“Bro??”Hindi pa ko pa man na tuloy ang sinasabi ko ay tumawa na ito, at mukhang alam na niya ang iniisip ko.
“But don't get it wrong bro.” Patawang saad nito.
“Your story was really good kaya pumasa kay uncle Yoo and to be honest kahit ako mixed emotion habang binabasa iyon.”Dugtong pa nito na siyang halos magpaiyak sa akin.
“Isa pa, walang basta bastang story ang nakakapasa kay uncle lalo n at nasamalaking kompaniya ito kaya ibig sabihin may potential talaga iyong book na ginawa mo.”Tuloy na saad nito habang ako ay magkahalong emosyon ang na raramdaman noong mga oras na iyon.
Masaya dahil sa ginawa ni Hugo para sa akin at nagagalit sa sarili ko knowing the fact na tinulongan at sinuportahan niya parin ako kahit ganoon ang ginawa ko sa kaniya .
“Salamat bro.”Mahinang saad ko habang may namomoong luha sa aking mga mata.
“Ano ka ba wala iyon, at gusto ko rin makabawi sa iyo nuh dahil sa nangyare.”Wika nito sabay tapik sa balikat ko.
“Nga pala maiba tayo.” Dugtong nito.
“Oh?”
“May bago na ba? Haha”Tanong nito na may halong panunukso.
“Ah? Wala haha focus muna sa career.”Subalit bigla kong naalala ang weirdo kaya napangiti ako ng hindi ko namamalayan.
“Oh? Hahaha then what's with that smile huh?”Pagtatakang tanong nito noong mapansing ang pilit na tinatago kong ngiti.
“huh? Wala I just remember something.”Tugon ko.
“Something o someone?”Muling panunukso nito.
“But you know what bro. I miss those smiles.” Biglang seryosong wika nito.
“Yan yong smile na unti-unting nawala noong naging kayo ni Kayle.” Dugtong pa nito at alam ko ang ibig niyang sabihin.
“Yeah.” Tanging naisagut ko.
Tama naman ang sinabi ni Hugo dahil simula noong naging kami ni Kayle ay unti-unting nawala ang dating ako. Yoong Luca na masiyahin ay full of adventure, si Kayle kasi masyadong seryoso gusto niya lahat perpekto lagi niya akong sinisira sa tuwing may nagagawa akong hindi niya gusto, bawal gumala, bawal makipag-usap lalo sa ibang babae, bawal uminom or pumunta sa mga bars yong pananalita dapat disente ayaw niya ng puro biro, maging sa pagkain ay ang daming bawal. Pero wala ei sinonod ko lahat ng iyon dahil mahal ko siya.
Si Hugo ang pinakaunang unang nakaalam ng pangarap ko iyon ay maging kilalang Author at siya din ang pinakaunang naniwala sa akin at sumoporta.
“Bro ang ganda nito!!!”Pasigaw na wika ni Hugo noong mga bata pa kami matapos basahin ang ginawa kong story.
“T-talaga?”Nahihiyang sambit. Ayaw ko sanang ipabasa sa kaniya iyo dahil baka pagtawanan ako subalit sapilitan niyang inagaw ang notebook ko upang mabasa iyon.
“Oo nga pramis, pero bakit mo naman pinatay ang magulang ng main character?”Saad nito habang kunwarebay umiiyak.
Simula noong araw na iyon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob upang ipag-patuloy ang pagsusulat. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may naka appreciate ng ginawa ko na hindi ko nakuha sa magulang ko.
Nagkaayos kami ni Hugo at humingi din ako ng tawad dahil sa nagawa ko sa kaniya. Kaya naglakasaya at nagpakawalwal kami noong gabing iyon na para bang magkapatid na ilang taong hindi nagkita, as usual puro kalokohan pagkamagkasama hanggang...
“B-broooo.” Pagtawag ni Hugo kasabay ng hindi niya mapigilang pagsusuka gawa ng kalasingan. Lumabas na kami ng bar at naglalakad papunta sa sasakyan niya. Hindi talaga malakas uminom so Hugo kaya ganito nalang ang reaksyon niya noong malasing.
“Bro kaya mo pa ba mag drive? Utas na utas ka eh” Pag alala sumabalit tumatawa kong tanong.
“B-broo tawagan mo i-ito.” Nauutal na saad nito at hindi na makapagsalita ng deretso habang inaabot sa akin ang cellphone niya at nakita ko ang isang contact number.
Tinawagan ko ang number subalit nagtaka ang sa kabilang ninya kung bakit iba ang boses at hindi si Hugo ang tumawag.
“H-hello?”Bungad ko noong sinagot ang tawag.
“Sino ka hah? Asan si Hugo? Anong ginawa mo?”Sunod sunod na Tanong nito, agad na nalaman nito na hindi si Hugo ang kausap niya. Hindi pa man ako tapos magsalita nagagalit na ito.
“Bro sinu 'to?” Mahinang tanong ko kay Hugo at bahagyang inilayl ang speaker ng phone.
“Girlfriend ko hahaha.”tugon nito sabay tumawa nanaman ng malakas.
“Sh*t, ano sasabihin ko?”
“Magpapasundo ako.”Tugon nito subalit pabulong. Sabay senyas na kausapin ko ang girlfriend niya,m at mukhang hindi na talaga kaya ng isang ito kaya nagpapasundo na.
“Ehee so Luca 'to si Hugo magpapasundo.” Malumanay na saad ko.
“Ah Ikaw ang Luca. Saan kayo?”Tanong nito.
“Dito sa Neon Nights Club sa makati.”tugon ko dito habang inaayos ang pagkakaupo ni Hugo, gawa ng matinding kalasingan ay hnd na nito magawang maglakad ng mag-isa.
“Alright I'll be there.”Wika nito sabay na binaba ang tawag.
Naupo ako sa tabi ni Hugo at kami ay nakaupo sa sahig at nakasandal sa kotse ni nito.
“Bro......pft hahahaha”Wala pa man kaming sinasabi ay natutuwa na agad sa pinag-gagagawa namin.
Ilang sandali pa ay dumating ang babaeng kausap ko sa phone.
“What???”