THE PLEA

1280 Words
Chapter 90 Umiling ako. “So, ano? Hahayaan mong patayin nila ako? Hahayaan mong utusang kang patayin ako kahit alam mong hindi na tama pa ang ginagawa ninyong ito? Oo, masamang tao si Lolo ngunit hindi ako siya para ako ang pahirapan at patayin. Matalino ka, Fay. Hindi ka masamang tao. Alam kong hindi mo na rin gusto ang ginagawa mo. Kalagan mo ako. Magtiwala ka sa akin, magtiwala ka sa kakayanan ko. Kaya natin silang patayin lahat.” Tinignan ko siya. Gusto kong maniwala sa mga sinasabi niya sa akin ngunit ano nga ba ang alam niya sa pakikipaglaban? CEO siya at hindi assassin. “Sa kalagayan mo ngayon, mahina ka. Matatalo lang tayo.” “Okey. Kung ganoon lang din naman pala na wala kang tiwala sa akin, na sa tingin mo, maaring hindi na ako makakalaban pa sa dami ng sugat ko, bakit hindi mo na lang ako patayin? Patayin mo na lang ako, please?” “Kung gagawin ko iyon ngayon, malalaman ng lahat na tinodas kita at hindi iyon ang utos. Kahit may mga sugat ka, hindi iyon magiging dahilan ng iyong agarang pagkamatay. Axel, kung babarilin kita at papatayin ngayon, sagutin ko ‘yon sa grupo at alam kong ang pagsuway sa utos nila ay kamatayan ang kapalit. Para lang akong langgam na titirisin nila.” “Okey, naintindihan ko na. Mas mahalaga nga naman lagi ang buhay mo sa buhay ko at ayos lang din sa akin na isiping ako na lang ang mamamatay kaysa madamay ka pa.” “Pasensiya na pero hindi ko maaring gawin ang kahit ano sa mga hiling mo.” “Ayos lang pero sana pinatay mo na lang ako kaninang lumaban ako sa’yo. Ginawa ko ‘yon para may dahilan kang barilin ako, pero hindi mo pa rin ginawa. Alam ko at alam mo na pagkatapos nilang makuha ang ransom papatayin nila ako. Pahihirapan muna bago tuluyang patayin at ayaw kong mamatay na nahihirapan, Fay. Paano mo nakakayanan o masisikmurang pinahihirapan ako ng iba hanggang sa tuluyang mamatay? Kaya patayin mo na ako ngayon din!” “Hindi natin alam kung itutuloy niyang ipapatay ka kapag makuha na ang ransom mula sa lolo mo. Kung gusto ka niyang patayin, ako ang siguradong gagawa no’n kasi kilala ko si Big Boss, umiiwas siyang mamantsahan ang kanyang mga kamay. Kami ang gumagawa no’n at hindi siya. Siya ang tumatanggap ng bayad sa mga may gustong ipatumba, siya ang nagbibigay ng bayad sa amin para gawin ang maruming bahaging iyon ngunit itong sa’yo, hiniling niyang ako ang gagawa. Ako ang papatay sa’yo. Oo maaring pahirapan ka ngunit susunod na muna ako sa plano niya at pangako, nandito ako para protektahan ka sa abot ng aking makakaya.” “Anong protektahan? Paano moa ko po-protektahan? Ano ‘yon? Hihintayin mo munang saktan ako? Bugbugin bago ka may gagawin? The f**k Fay! Huwag ka nang mangako. Kung yung pagpatay sa akin ngayon na ito pa lang ang inabot ko, hindi mo magawa, ang protektahan pa kaya ako ?” Tumitig ako kay Axel. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin at gagawin ngunit isa lang ang sigurado ko, hindi ko kakayaning mamatay si Axel. Hindi na ngayon. “Mahal na mahal pa rin kita. Kahit ilang beses akong itaboy ng pamilya mo, saktan ng pamilya mo, hindi pa rin nabubura yung nararamdaman ko sa’yo. Mahal na mahal pa rin kita.” Inilapit ko ang labi ko sa labi niya ngunit inilayo nita ang kanyang labi sa akin. “I’m sorry. Wala na akong maramdaman kahit pa nalaman kong ikaw pala si Fay. Galit yung nangingibabaw sa akin ngayon eh. Galit na ikaw ang pumatay sa magiging anak ko sana, naiinis ako sa’yo at sa sarili ko na hinayaan kong mangyari ang lahat ng nangyari noon sa’yo. Fay, hindi madali ang pinagdaanan mo at hindi ko alam kung deserving pa talaga ako sa pagmamahal mong ‘yan sa akin. Halo-halo ang emosyon ko ngayon. Galit din ako wala akong nagawa para sa anak ko. Na kung hindi ka sana tinangkang patayin ni Zarlyn mabubuhay pa sana ang anak ko. Andaming nangyayari ngayon na hindi ko na alam kung anong maramdaman ko.” “Okey. Pasensiya na,” inilayo ko ang mukha ko. Tumalikod. Kinuha ko ang first kit. Nilingon ko si Axel. “Nauuhaw ka ba? Nagugutom?” Umiling lang si Axel. Nakita ko ang paglakbay ng luha sa pisngi niya. Bumalik ako. Ibinaba kong muli ang first kit. Lumuhod ako sa harap ni Axel na nakagapos. Pinahid ko ang luha niya. Niyakap ko siya nang mahigpit. Hinawakan kong muli ang magkabilang pisngi niya. Sobra na yung nararamdaman kong pagkakonsensiya. Hindi dapat pinagdadaanan ni Axel na walang kasalanan ang ganito. “Natatakot ka ba?” naaawang tanong ko. “Maybe. I don’t know. Nalulungkot ako nangyaring ito sa atin, nasasaktan na ganito lang pala ang kinahinatnan natin. Na yung sobrag pagmamahalan natin, mauuwi lang din sa ganito kasi wala kang ginagawa ngayon na sana may pag-asa pa tayong makatakas. “I’m sorry.” “Sorry? Kasi wala kang magawa? Sorry kasi buhay mo lang ang mahalaga at yung buhay namin at ng iba mo pang pinatay, wala lang bang halaga iyon sa’yo? Sana kung mamamatay ako ngayong araw na ito, maisip mo kung gusto mo talaga ito. Na sana may magagawa ka pa sana pero tinanggihan mong gawin. Hindi mo lang gustong sumubok kasi, makasarili ka. Nababalot ng takot at pagkamakasarili ang pagkatao mo. Hindi pala ikaw yung taong minahal ko kasi duwag ka!” Naluluhang sinabi ni Axel. Iginagalaw-galaw niya ang katawan na para bang gusto niya akong itulak. “Bitiwan mo ako. Lumayo ka sa akin!” Tumayo ako. Tigib na rin ng luha ang aking mga mata. “Patawarin mo sana ako.” Huminga ako nang malalim. Lumabas ako sa kuwarto kung nasaan siya. Ibinalik ko na muna ang first aid kit saka ako tumungo sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom. Kumuha ako ng dalawang bote. Binuksan ko ang isa at uminom. Tinignan ko ang mga kasamahan ko sa labas. Nagsimula na silang mag-inuman. Dinala ko ang isang bote ng tubig kay Axel. Pagpasok ko ay nakatungo lang ang ulo niya. Hindi siya nakatingin sa akin. “Uminom ka muna,” binuksan ko ang bote at inilapit ko sa bibig ni Axel ngunit inilayo niya ang kanyang bibig. “Please, kahit konti lang,” pakiusap ko pa rin sa kanya. Muli kong sinubukan. Huminga siya ng malalim. Hindi niya tinanggian. Uminom si Axel. Halos maubos ang laman ng bote. Hindi na nagsasalita si Axel at ganoon din ako ngunit habang pinagmamasdan ko siya ay parang pinapatay ako sa sobrang awa. Iniisip ko pa lang ang maaring mangyari sa kanya pagdating ni Big Boss ay parang hindi ko na kinakaya pa. Kailangan may gagawin ako ngunit ano? Paano? Lumabas akong gulong-gulo ang isip. Muli kong sinilip ang mga kasama kong nag-iinuman. Nagkakasiyahan sila. Natutuwa na may nagawa na naman sila at sigurado na naman ang pera. Ngunit iba ang iniisip ko. Gusto kong may magawa ako para kay Axel. Siniyasat kong mabuti kung may lagusan sa likod. Meron! Binuksan ko ang pintuan sa likod bahay at naabutan ko ang tatlong nag-iinuman doon. Napabuntong-hininga ako. Nag-isip ako. Tama na! Sobra na ‘to. Pagkakataon na para tumiwalag. Kakalagan ko si Axel. Tatakas kami. Lalabanan namin ang grupong kinaaniban ko kung papatayin nila ako o si Axel. Ilalaban ko ang kalayaan ko hanggang kamatayan. Ito lang ang alam kong tama at dapat kong gawin. Mabuti nang mamatay kami ni Axel na lumalaban laban sa kasamaan kaysa sa patuloy akong pumapatay dahil lang sa pera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD