Natalie's POV
Lumipas ang ilan pang mga buwan. Di na ako masyadong sumasama sa mga gimik ng aking mga barkada. Lagi ko naman pinapaliwanag sa kanila. Ganuon lang talaga siguro nawala ang gana ko sa social life ko dahil sa naranasan ko kay Jeff.
Dahil kasi sa alak na iyon naisuko ko ang pinakaiingatan ko na dapat lang sa lalaking mamahalin ko at mahal ako. Hindi ako naiiba sa mga kabataan ngayong panahon na dahil sa kakagimik at pag-inom ng alak ay instant na nawala ang virginity ko. Wala na akong magagawa tungkol diyan ngunit pwede ko naman baguhin ang life style ko. Pinagtuunan ko na lang ang aking pag-aaral.
"Best ha naging studious ka na ngayon", wika ni Jasmine habang nasa cafeteria kami ng university na pinag-aaralan namin. " Oo best para naman may mapapala ang magulang ko sa pag-aaral sa akin". Di ako tumitingin sa kanila habang nagsasalita kundi nakayuko ako habang pinapaikot ko ang chopstick ko sa ang aking pagkain na spaghetti. Tahimik lang din na nakikinig ang dalawa pa naming kaibigan.
"Best magbabago na tayo gayahin natin si Natalie", sabi ni Rhea kasabay ng kanilang tawanan. "Sshhh",dinikit ko sa labi ko ang aking hintuturo para ibaba nila ang kanilang boses dahil nakakaistorbo sa mga ibang estudyante dito. "Okay best, behave na kami", sabay kindat sa akin ni Glenny. Nag thumbs-up naman ang dalawa na itinaas pa para makita ko.
Kumunot ang noo ko sa mga galaw ng mga kaibigan kong mga ito. Palibhasa tanging pagpapaganda lang ang ginagawa nila, sabagay ganun rin ako dati pero ngayon iba na. "Ay best may lakad kami mayang gabi, sama ka ba?", pagbasag ni Jasmine sa kaseryosohan namin kanina. "Ako, di ako sasama best, pasensiya na ha," wika ko.
"Okay lang yan best, try lang naman na yayain ka eh",sabi niya ulit. Tumango na lamang ako bilang tugon. "Ubusin na natin ang pagkain natin para ready na tayo sa next subject natin". Pagkatapos namin maubos ang mga kinakain namin ay lumabas na kami ng cafeteria.
Nagtungo na kami sa aming classroom upang hintayin ang next subject teacher namin. Narinig kong pinag-uusapan ako ng aking mga kaibigan ngunit hindi ko na sila pinansin. Bahala sila kung ano na iniisip nila tungkol sa akin. Basta ginawa ko ang part ko bilang mga kaibigan nila na iremind na dapat mag-aral din silang mabuti.
"Wow ha, bigla akong nakapag-isip ng mga ganitong mga bagay",sabi ko sa sarili ko ngunit sa isip ko lang. Dapat lang dahil gumagastos ang parents namin. Mas maganda nga na mayaman na nga, nakapag-aral pa. Napaupo ako ng tuwid ng pumasok na ang aming professor.
As usual maaga ako umuuwi sa hapon dahil madalas sa umaga full load ako. Minsan naabutan ko si JD sa tapat ng aming bahay. Madalas ko na rin siyang kakwentuhan ng iba't-ibang mga bagay. Nawiwili naman ako sa kanyang mga kuwento.
Pagkatapos naman ng aming kwentuhan saka ako papasok sa loob ng aming bahay. Aalis naman siya para maghanap ng bote at diyaryo na bilhin. Hanggang naging tipikal na kakilala siya. Mabait naman iyang tao gaya ng nasabi ni Mommy.
Hindi naman din ako pinagsabihan ng magulang ko tungkol sa pakikipag-usap ko sa nangangalakal. Nadagdagan tuloy ang aking kaibigan. Iba naman siya pero parehong tao lang din naman. Di naman batayan ang estado sa buhay para pumili lang ng mga kaibigan na gustuhin natin.
Maaga akong nagising para maaga ako pumasok dahil exam test namin ngayon. Mas mainam na andun na ako ng trenta minutos para mairelax ko ang aking isip bago magsimula ang test. Bumaba na mula sa kwarto ko at diretso sa garahe. Sumakay ako ng kotse ko saka pinaatras palabas ng garahe.
Nakita ko si JD sa kalsada tulak-tulak ang kariton. Kung mas maaga ako mas maaga na naman siya para makapaghanap-buhay muna. Binusinahan ko siya bago tuluyang lumabas sa subdivision. Mabilis akong nakarating sa aming University.
Pagkatapos ko maipark ang aking sasakyan sa parking lot, nagtungo na ako agad sa gate. "Good morning sir", bati ko kay manong guard na nakangiti. "Good morning too Miss Figaroa, look more beautiful ha?", nakangiti niyang tugon sa akin. "Thank you so much sir, bye pasok na po ako, see you later", at tuluyan na akong nakapasok sa campus.
"What a beautiful morning today!", I sighed with happiness. Di ko alam baka may nakakita sa akin na medyo napangiti. Lumingon ako sa paligid may pakunti-kunti naman na estudyante pero hindi naman sa akin nakatingin. Nadadaanan ko ang mga iba na nagrereview sa punong-kahoy na may upuang mahaba na gawa ng kahoy o tinatawag na bench.
Huminto ako at umupo sa may bakanteng bench. Tiningnan ko ang aking pambisig na relo, alas-siyete y media palang ng umaga. Alas-otso ang pasok ko kaya maupo muna ako dito. Inilabas ko ang aking notebook upang basahin muli ang aking mga nireview kanina.
Pagkatapos ng kinse minutos nagpasya na akong magpunta sa aming classroom. Di ko pa nakita ang aking mga kaibigan na dumating ah. Ay sabagay may kinse minutos pa naman. Mabilis ko narating ang aming classroom sa ikatlong palapag ng gusali.
Pagpasok ko nakaayos na ang mga upuan namin. Alam ko na upuan ko dahil sinabi na kahapon ng professor. May mga mangilan-ngilan na ng nakaupo at sa tingin ko nakanda na sa pagsusulit. Nakaupo na ako ng sunud-sunod ng nagsidatingan ang tatlo kong kaibigan.
Dahil tahimik ang paligid kanina, naging palengke na agad nung dumating ang tatlo. Kahit kailan talaga maiingay ang mga kaibigan ko, siyempre kabilang ako sa kanila pero ngaun pa lang sana ako mag-iingay. Magsasalita pa sana ang isa kong kaibigan ng pumasok na si professor.
Biglang tumahimik muli ang paligid.
"Sit properly and we start now the exam", dumagundong ang boses ni Professor. "Yes sir", halos chorus ang sagot namin.
"Put your things under your chair, only ballpen at the top of your sit", narinig kong sinabi ni Professor. Walang imik kaming sumunod.
Kasalukuyan ang aming pagsusulit. Pakiramdam ko madali sumagot sa mga tanong. Ako tuloy ang unang nakatapos. Tahimik akong lumabas ng classroom bitbit ang gamit ko. Bago tuluyang lumabas ay lumingon ako sa mga kaibigan ko.
Nagulat ako dahil pinagpapawisan sila eh may aircon naman sa loob. Nakakunot ang noo ni Glenny. Si Rhea naman ay parang maiiyak sa hitsura niya. Samantalang si Jasmine ay nakayuko ngunit nakatitig lang sa sagutang papel.
"Go straight Miss Figaroa", narinig kong nagsalita ang aming Professor. Tumango na lamang ako saka tuluyang lumabas. Hanggang alas-diyes y media ang exam namin. Patungo ako sa ikatlong subject ko dahil pinagsabay na kanina ni Professor ang aming subjects sa kanya.
Madali rin akong nakasagot sa pangatlo kaya on the way na ako sa pang-apat. Last na ito kaya makapag-miryenda na ako bago uuwi. Ginagala ko ang paningin ko nagbabakasakali na makita ko ang mga kaibigan ko ngunit wala pang anino nila. Ibang kamag-aral ang nakikita ko.
Hanggang sa makasalubong ko ang isa naming kaklase na patungo sa pangatlong subject. "Iyong mga kaibigan mo naiwan pa sila sa unang pagsusulit natin", wika nito. "Baka nahihirapan sila sa pagsagot?". Di ako nakasagot sa kanyang sinabi, dahil maalala ko may gimik sila kagabi.
Tumaas na lang ang kilay ko na iniwan ng aming kaklase. Nagpatuloy na ako sa pang-apat kong pagsusulit. Pang lima ako na dumating, mas maaga ang iba galing din ng ibang subjects nila. Kumuha ako ng sagutang papel at naupo na.
Halos trenta minutos ang nakalipas ng masagutan ko lahat. Yes, finally natapos na ako ngayong araw. Tumayo na ako para ipasa ang aking nasagutang papel. Umalis na ako duon, wala naman akong kasabay dahil nga nahuli ang mga kaibigan ko.
No choice magmiryenda akong mag-isa sa cafeteria. Naglakad na ako pababa ng gusali patungo sa cafeteria. Hindi ko naman pwede tawagan sila dahil bawal ang cellphone kapag nag-eexam. Magtext na lang ako para magbigay ng mensahe na nauna ako sa cafeteria.
Pagdating sa cafeteria, duon ko naramdaman ang aking gutom. Agad akong pumili ng aking miryenda. "Magmiryenda ako o kanin na lang?", tanong ko sa utak ko". Biglang naamoy ko ang halimuyak ng caldereta, ay ang sarap naman parang mas lalong nag-alburuto ang aking tiyan.
"Isang kanin at isang serve ng kaldereta please", ang biglang lumabas sa bibig ko. "Yes po iseserve na po". "Thank you". At nagmartsa na ako pabalik sa mesa ko hawak ang tinidor at kutsara.
Nagsimula na akong kumain at naubos ko lahat ang inorder ko. Hinaplos ko pa ang tiyan ko dahil sa kabusugan. Nagburp pa ako, mabuti na lang at agad ko natakpan ang aking bibig. Buti hindi narinig ng iba pang estudyante na kumakain dito.
Tatayo na sana ako ng dumating na ang mga kaibigan ko. "Best ang hirap ng test natin", wika ni Jasmine na parang maiiyak na. Oo nga best, buti ka pa mabilis ka nakatapos", dugtong naman ni Rhea. "Pahamak ang gimik na Yan eh", sabi naman ni Glenny.
Tahimik akong nakamasid sa kanila, dahil sa kanilang mga reactions sa naganap na exam. "Madali lang naman ah", pagsisingit ko sa kanila. "Kahit kailan, madali lang naman sa iyo eh", sabad ni Jasmine. "O siya kain na tayo dahil gutom na ako", pagrereklamo ni Rhea.
"Hintayin ko pa ba kayo o mauuna na ako uuwi? "Wow best ha nagbago ka na, di ka na nga sumasama sa amin kapag may gimik ngayon iiwanan mo kami", parang nagtatampo na salita ni Glenny. "Halla siya, sinabi ko na nga ang dahilan", pagpapaliwanag ko. "Hayaan niyo na kasi mga best baka napagod din iyang kaibigan natin sa exam, makaintindi naman kayo!", pagtatanggol sa akin ni Jasmine.
"Ay sige na best mauna ka na, baka maaga kang nagising niyan", dagdag naman ni Jasmine. Tumayo ako at kinuha ang gamit ko. "Bye mga bests kita tayo kapag may time", wika ko at tuluyang lumabas sa cafeteria. Hindi ko na narinig ang kanilang sagot.
Lumipas pa ang mga araw, linggo, buwan,at taon na malapit na akong maka graduate ng college. Naitawid ko ng maayos ang pag-aaral ko na dati ay lakwatsa lagi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkaroon ng boyfriend. Marami rin naman nanliligaw sa akin ngunit wala kong nagugustuhan sa kanila.
Ipinagtataka ng mga kaibigan ko kung bakit hanggang ngayon ay wala akong boyfriend. Kung tinatanong nila ako, ang sagot ko ay darating din ako niyan, huwag kayong mag-alala! Marahil naging komportable lang ako sa pagiging single ko. Walang inaalala at umiistorbo.
Minsan sa dinner, biglang nagtanong si Daddy about my grades. "How's your grades Hija", pagtanong ni Daddy. Tumingin din sa akin si Mommy na nakangiti. "Maayos naman Daddy", pagmamayabang so kanya.
"Siya nga pala Mommy, kuhanan ng cards namin next week. This week lang katatapos ang final exam namin," pagbabalita ko. "No problem Hija, I will get it. We will excited to see your grades", Mommy assured me.
"Thank you Mommy". "Welcome Hija, alam ko naman you are striving sa schooling mo", wika niya. Parang ang sarap pakinggan sa aking tainga na inaapreciate nila ang effort ko. Napansin na pala ni Mommy ang ginagawa ko.
"Good to hear that Mommy", sabi ni Daddy. "We are proud of you Hija", dagdag pa ni Daddy. Para akong palaka na binuhusan ng malamig na tubig parang gusto kong magtatalon. Tumayo at niyakap ko sila ng mahigpit. Pagkatapos ay itinuloy na namin ang aming dinner time.
Samantala, naging routine ko ang laging pakikipag-usap kay JD kapag umuuwi ako ng hapon galing sa school. Happy naman ako na palagi kong nakakakwentuhan siya. Duon lamang kami nag-uusap sa labas ng gate ng bahay. Dahil pagkatapos ay iikot na naman siya sa kabilang kanto para makabili pa ng bote at diyaryo.
Nakatulong ata siya sa pagpupursige ko sa pag-aaral mula nung nalaman ko na nag-aaral habang nghahanap-buhay. Grabe din ang sakripisyo niya. Nakakahiya naman sa kagaya niya kung ako ay di makakapasa sa aking pag-aaral. Mabuti maaga ako nakapag-isip na ayusin ang pag-aaral ko.
Salamat dahil nagkaroon ako ng kaibigan na kagaya niya. Naging challenge ko para pagbutihin ang parte ko na mag-aral ng maayos. Sa wakas malapit na kami mag graduate ng mga kaibigan ko. Kunting tiis na lang.