Kabanata 7

954 Words
"Si Ismael Saavedra ba 'yon?" Napatalon sa gulat si Laureta sa biglaang pagsulpot ni Domingo sa kan'yang likuran. Kakaalis lang kasi  ni Ismael matapos siyang ihatid sa bahay. Matigas ang ulo niya't ayaw magpatalo, kaya hinayaan na lang ito ng dalaga na ihatid siya. Ano pa nga ba ang magagawa niya, kung masyadong mapilit ito. "Laur, tinatanong kita. Si Ismael Saavedra ba 'yon? Bakit kayo magkasama, ha?" "Ginulat mo naman ako masyado, kuya. Akala ko multo. Ano ba ang ginagawa diyan, at bakit ang dilim?" Inalis niya muna ang takong sa paa at saka ito iginilid sa likod ng pinto, bago lapitan ang switch ng ilaw. Ang dilim kasi, at halos malagutan na siya ng hininga kanina dahil sa pag-aakalang multo ang kapatid. Paulit-ulit niyang pinindot ang switch, pero hindi ito gumana. Taka niyang binalingan si Domingo na ngayon ay iniilawan siya gamit ang isang maliit na flashlight. "May sira ba 'yong switch, or brownout lang talaga?" tanong nito. "Walang kuryente," bagot na sagot niya sa dalaga. Kinuha niya ang mga bitbit nito, at inalalayan papasok ng bahay. Mayroong nakasindi na isang maliit na kandila sa gitna ng dining table nila, na siyang nagbibigay liwanag sa loob ng kanilang madilim na tahanan. "Ha? Paanong walang kuryente, e meron naman kanina sa mga nadaanan ko?" "Sa bahay lang natin brownout," tumatawa niyang sagot, pero mababakas mo r'on ang panunuya at pait. "Alam mo kung bakit?" "Ano nanaman ba ang ginawa kong kalokohan, kuya? Isusumbong kita sa papa—teka, nasaan nga pala siya?" "Kalokohan? Alam mo kung anong totoong kalokohan? Ito... itong buhay natin, putangina!" Kasabay n'on ay ang malakas niyang pagsigaw na dumagundong buong lugar, dahil sa lakas n'on. Nagsimula na rin siyang maghagis ng baso at plato. "Sige, ubusin mo. Ubusin mo lahat ng gamit, ha? Basagin mo lahat. Sirain mo na lahat, pati itong bahay natin at 'yang buhay mo!" Dala ng bugs ko ng damdamin, tumayo si Laureta at inabutan pa ng mas maraming baso si Domingo. Natulala ang binata, at unti-unting  binaba ang hawak na plato. Nanginginig ang kamay niya, at nagsimula na ring tumulo ang mga luha niya. Lalaki siya, pero heto't umiiyak siya na para bang isang bata na pinag-kaitan ng candy. "Ano, kuya? Bakit ka tumigil? Heto pa ang mga baso, basagin mo na. Ano pa ang hinihintay mo? Bakit hindi ka gumagalaw? Bakit hindi mo binabasag, ha? Bakit?" "L-Laur...," iyon nalang ang tanging nasabi niya dahil sa kahihiyan. Marahan siyang humakbang palapit sa kapatid, at akmang aabutin ang kamay nito ngunit agad na naiwaksi ni Laureta ang kamay. "Basahin mo na! Ano pa ba ang hinihintay mo? Gusto mo ba ako pa mismo maglagay ng baso sa kamay m—" "I'm sorry, Laur. Pagod lang ak—" "Pagod ka? Bakit, ako ba sa tingin mo, hindi pagod? Kuya, kung pagod ka na, pagod na rin ako! Pagod na pagod na pagod na pagod na ako, pero umalma ba ako? Nagreklamo ba ako? Nagalit ba ako? 'Di ba hindi?" "I'm really sorr—" "Parehas lang tayo, kuya, pero ako lumalaban pa rin. Ginagawa ko pa rin 'yong best ko para bumangon, para mabawi lahat ng pinag-kait sa atin." Domingo looks guilty. Walang imik niyang niligpit ang mga kalat mula sa pinsalang dulot niya kanina lamang. Samantalang si Laureta naman ay nanatiling nakatayo sa pwesto habang pinapanood ang ginagawa ng kapatid. Ramadan niya ang panginginig ng kamay, kaya't sinubukan niyang kalmahin ang sarili. Nobody wanted to help them out. Lahat ng kaibigan nila ay tinalikuran na sila. Matatawag pa ba nilang kaibigan ang mga 'to, kung sa mismong kagipitan ng buhay ay missing in the action sila? She tied to contact them, but nobody answered. Gan'on din kay Domingo, sinubukan niya ring lapitan ang mga barkada pero nawala ang mga 'to na parang bula. Tanging si Lheonore, ang matalik nilang kaibigan at kababata nalang ang natitirang tao na hindi lumayo sa kanila. Iyon nga lang, mula sa pagkaka-alam ni Laureta ay nasa New York ito para sa isang fashion show. "Laur—" "Save your apologies to yourself. Let's not talk about this, baka pati tayo ay magka-sira." Tinanguan siya ng binata at hinanda ang pagkain na dala-dala ni Laureta. Galing ito kay Ismael. Masyadong matigas ang ulo ng isang 'yon, dahil pilit niyang pinabaon pauwi kay Laureta ang take out na pagkain. "K-kain na tayo," anyaya niya sa dalaga. "Ang papa, nasaan?" "Umalis siya kanina, Laur." "Ha? Bakit mo hinayaang umalis? Baka kung mapaano siya. Tingnan mo, anong na pero wala pa rin siya." "Pinuntahan niya si Mr. Sy, mag-uusap daw sila at bibigyan siya ng trabaho." "Are they friends again? Alam mo, masama ang kutob ko. Mabuti pa't sundan nalang natin siya." Si Mr. Sy ay dating matalik na kaibigan ng kanilang papa. Naging ka-sosyo niya ito noon sa isang negosyo, pero bigla na lang itong nag-back out at tinalikuran siya. Hindi lang 'yon, dahil kinakaban niya ito matapos tumiwalag. Kaya't labis na ipinagtataka ni Laureta ang sinabi ng kapatid. "Narinig ko ang papa kanina. Narinig ko siyang kausap si Mr. Sy at nagpapasalamat sa trabaho." "Are you sure? Ano naman daw ang trabaho ni papa?" "A family driver?" "Tangina!" mura ng dalaga. Padarag niyang ibinagsak ang kutsara, saka dali-daling tumakbo palabas bitbit ang kan'yang pitaka. Desidido siyang sundan ang ama, at kumbinsihin itong umuwi na. Alam niya kasing hindi magandang ideya na magtrabaho sa matandang 'yon. Alam niyang pahihirapan lang nito ang ama, at hindi itratrato ng tama. Sunod-sunod na tumulo ang luha niya habang naglalakad palabas ng village. Ngayon lang siya nakaramdam ng matinding pagod sa buong buhay niya. Kung tutuusin ay ilang beses na niyang tinangkang sumuko, pero hindi niya ginawa. Hindi niya ginawa, dahil alam niyang kapag sumuko siya, siya ang talo. Tinatak niya na sa kokote niya na kailangan niyang tatagan ang loob niya. Kailangan niyang lumaban para sa pamilya nila, at para sa hustis'yang hinahangad nila. Life may be hard sometimes, but knowing not to give up is the best thing that she could ever do. "Ismael," bulong ng dalaga bago siya muling mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD