Nangangalay na ang mga binti ni Laureta sa paghihintay ng jeep na masasakyan. Nag-aalburuto na rin ang sikmura niya, at mukhang gutom na ang mga alaga niya sa loob. Kung hindi niya lang sana pinairal ang pride, edi sana hindi nangangalay ang mga binti niya habang sinisinghot ang usok ng iba't ibang sasakyan na dumaraan. "Ano ba 'yan! Ayaw akong tantanan ng mga pesteng lamok, kanina pa inuubos ang dugo ko!" reklamo ni Carla. Panay ang palo niya sa parte ng katawan na dadapuan ng lamok habang humihikab, dahil sa pagod at antok. "Naku! Hindi na talaga ako natutuwa. Kapag ako nainis, papasabugin ko buong Manila." biro niya habang kumakamot-kamot pa rin. "Teka, bakit parang hindi ka nilalamok? Ang unfair, ha!" "Mas masarap ka siguro sa akin," wika naman ni Laureta. "Alam ko naman 'yon, kaso

