“H-huge…" “Hmm. What is it, sweetheart?” She sighed. Hinayaan na lamang niya ang binata na hagkan siya habang nagtatalo ang loob niya kung yayakap din ba siya rito. Sa huli ay pinili niyang huwag na lang. Mas mabuti na iyong naguguwardiyahan niya ang sarili. “Tell me what’s bothering you,” wika nito at mas lalong hinigpitan ang yakap sa dalaga Hindi siya kumibo, mas lalo lang niyang isiniksik ang sarili sa binata at itinago ang mukha sa makisig nitong dibdib. Amoy na amoy niya ang matapang nitong pabango. Ang manly ng amoy, masarap amuyin at hindi nakakasawa. Hindi rin ito masakit sa ilong. Pakiramdam ng dalawa ay sila lamang ang tao sa loob ng supermarket. Lingid sa kaalaman nila, kanina pa pala nakamasid ang mga tao sa bawat kilos nila, lalong lalo na iyong mga chismosang sales lady

